www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
Tumbok Articles:
March 6, 2008
March 14, 2008
March 29, 2008
April 18, 2008
April 25, 2008
May 02, 2008
May 09, 2008
May 16, 2008
May 23, 2008
May 30, 2008
June 6, 2008
June 14, 2008
June 20, 2008
June 27, 2008
July 04, 2008
July 18, 2008
July 25, 2008
August 1, 2008
August 08, 2008
August 22, 2008
August 29, 2008
September 5, 2008
September 12, 2008
September 19, 2008
September 26, 2008
October 03, 2008
October 10, 2008
October 17, 2008
October 31, 2008
November 7, 2008
November 14, 2008
November 21, 2008
 
 
 
 
VOL. VIII NO. 411 Nobyembre 21, 2008 BIYERNES  

Ang mga sanctioned tournaments ng NDFP ay umaabot na sa ibang bansa tulad ng katatapos na 2nd UFDC Invitational Dart Tournament sa United Arab Emirates. Ang torneo ay sa pangangasiwa ng United Filipino Dart Club (UFDC) ng Abu Dhabi, ang nangunguna sa kilusang mapasama ang Middle East Filipino OFW’s sa bukluran ng NDFP. Ang papremyo ng torneo ay may katumbas na P100,000.

Ang kampeon sa Open Singles ay si Orlan Bernardino ang NDFP 5th Ranked Player. Tinalo ni Bernardino sa top 4 si Joseph Domanais, isang tanyag na international player ng bansa na nasa Dubai na at tinalo din ni Orlan ang dating Philippine Team player Gerry Flores 4-0 sa finals.

Kadarating lang ni Orlan sa Abu Dhabi noong Oktubre at ito ay ang una niyang dart tournament doon. Sa wakas nag kampeon na din si Orlan sa isang NDFP sanctioned tournament. Maaalala niyo na pangalawa o top 4 lagi si Orlan gaya ng kanyang huling tournament sa Pilipinas noong Setyembre sa Darterong Pinoy kung saan pumangalawa siya kay Lourence Ilagan at noong Philippine Qualifier 2007 nang talunin siya sa finals ni Jojo Barellano. Sa pagkapanalo ni Orlan siya ay umangat sa 2nd place ng kasalukuyang NDFP ranking.

Si Orlan ay naging OFW sa UAE upang kayanin makapagtapos ng pagaral ang kanyang mga anak sa kolehiyo. Ang sabi nga niya noong nagpaalam bago maglakbay ay hindi na niya kayang pagaralin ang lumalaki niyang mga anak sa kasalukuyang kita niya bilang isang specialized high rise firefighter. Ang laro ng darts ay hindi pa kayang magbigay na dagdag na pamumuhay sa dartero.

Maraming magagaling na Darterong Pinoy ang nagkalat na sa ibat-ibang bahagi ng mundo. Sila ay naglalakbay upang makipagsapalaran at maghanap ng magandang pamumuhay ngunit sa halip na magtuloy sa paglalaro ng darts ay nauubos ang oras sa pagtratrabaho. Ang layunin ng NDFP sa ibang bansa ay magkaroon ng support network ang ating mga dartero at maituloy ang paglalaro ng darts. Sana magtuloy pa rin si Orlan sa paglalaro at hindi masayang ang kanyang tanging galing sa dart.

Ang ating magagaling na dartero ay nawawala at nagtutungo sa ibang bansa sa kakulangan ng hinaharap na kinabukasan sa larong darts sa bansa. Wala pa tayong masasabing professional dart players na pinagkikitahang kabuhayan ang paglalaro ng darts. Sa basketball at bilyar marami na tayong mga professional players. Ang hamon sa sports of darts ay suriin ang mga paraan upang magkaroon ng professional Filipino dart players.

 
Updated Nov. 21, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.