www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
Tumbok Articles:
March 6, 2008
March 14, 2008
March 29, 2008
April 18, 2008
April 25, 2008
May 02, 2008
May 09, 2008
May 16, 2008
May 23, 2008
May 30, 2008
June 6, 2008
June 14, 2008
June 20, 2008
June 27, 2008
July 04, 2008
July 18, 2008
July 25, 2008
August 1, 2008
August 08, 2008
August 22, 2008
August 29, 2008
September 5, 2008
September 12, 2008
September 19, 2008
September 26, 2008
October 03, 2008
October 10, 2008
October 17, 2008
October 31, 2008
November 7, 2008
November 14, 2008
November 21, 2008
 
 
 
 
VOL. VIII NO. 168 MARSO 8, 2008 SABADO  

INIIMBITAHAN namin ang mga dartero sa palaro ng Darters of Cabiao - P30,000 Cabiao Mayor’s Cup sa ika-8 ng Marso, sa Cabiao National High School Gymnasium, Nueva Ecija.

Maguumpisa ng alas dos ng hapon ang P12,000 Open Singles at susunod ang P18,000 Classified Draw Doubles. Para sa karagdagang impormasyon at vicinity map bisitahin ang www.ndfpdarts.com. Ito ay isang “NDFP sanctioned tournament”.

Ano ba ibig sabihin at kahalagahan ng “NDFP sanctioned tournament”?

Ang mga dart tournaments na sanctioned ng NDFP ay magkakaroon ng NDFP National Ranking Points sa Open Singles and Ladies’ events. Ang ranking points ay ang batayan kung sino ang mga top dart players ng bansa.

Ang matatamong National Ranking Points ay ayon sa laki ng kabuuang cash prize at dami ng manlalaro sa singles events. Meron nang umiiral na talaan hingil sa mga puntos na ipapaubaya sa mga dartero.

Kaya sa P30,000 NDFP sanctioned tournament mababa ang puntos at para sa top 4 players lang, kumpara sa darating na NDFP sanctioned P75,000 Magayon Festival Bicol Dart Challenge II ng Bicol Dart Federation sa Legaspi City sa Abril 18-19, 2008, na mas mataas ang puntos at ipagkakaloob sa top 16 players ng Open Singles.

Kapag NDFP sanctioned, gumagalaw at nakikibahagi ang national support network ng NDFP affiliated dart organizations, mas malawak ang suporta at mas marami ang lumalahok na dartero.

Ang paglalahad ng NDFP sanctioned tournaments ay pambansa ang abot sa pamamagitan ng ndfpdarts.com website.

Kapag NDFP sanctioned, mapapakinabangan ng dartero ang nakalaang P10,000 sa “Perfect 9 Darts Out” sa singles, handog ng NDFP.

Ang mga NDFP sanctioned tournaments ay walang sanctioning fees at bukas sa lahat ng dartero at di kailangang maging kasapi sa NDFP.

Ito ang mga bagong pananaw na inilunsad ng NDFP upang matulungan at mabigyan ng pagkilala ang pagsisikap ng mga local dart organizations. Lalo na ang maliliit at still developing local darts organization.

Kaya, maliit o malaking tournaments, ito ang pundasyon ng matatag na inprastuktura ng darts.
Ang inprastukturang inaaasahan ng mga dartero upang mailabas ang galing ng magdamagang ensayo.

 
   
Updated March 06, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.