www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
Tumbok Articles:
March 6, 2008
March 14, 2008
March 29, 2008
April 18, 2008
April 25, 2008
May 02, 2008
May 09, 2008
May 16, 2008
May 23, 2008
May 30, 2008
June 6, 2008
June 14, 2008
June 20, 2008
June 27, 2008
July 04, 2008
July 18, 2008
July 25, 2008
August 1, 2008
August 08, 2008
August 22, 2008
August 29, 2008
September 5, 2008
September 12, 2008
September 19, 2008
September 26, 2008
October 03, 2008
October 10, 2008
October 17, 2008
October 31, 2008
November 7, 2008
November 14, 2008
November 21, 2008
 
 
 
 
VOL. VIII NO. 270 HUNYO 20, 2008 BIYERNES  

“Darterong Pinoy” – ano ba pinagmulan ng mga salitang ito na paulit-ulit na binibigkas at naririnig sa kapaligiran ng mga dartero.

Ang katawagan na Darterong Pinoy ay unang lumabas sa bukabularyo ng mga dartero sa kauna-unahang dart tournament na inilunsad ng NDFP na pinamagatang Darterong Pinoy 1998. Saklaw ng tournament na ito ay ang mga makabagong sukatan alinsunod sa pandaigdigang pangangailangan.

Sa dart tournament na Darterong Pinoy 1999 ay nagsimula ang kauna-unahang P100,000 dart tournament sa bansa. At sa Darterong Pinoy 2003 ay sinimulaan ang hindi pa rin matumbasang P100,000 Free-Registration tournament. Darterong Pinoy 2003 din ang kauna-unahang dart tournament na isinahimpapawid sa isang oras na TV Special. Ang Darterong Pinoy dart tournaments ay ang pinakamalaking dart tournaments sa bilang ng kalahok.na ginaganap sa bansa.

Ang terminong Darterong Pinoy ay nagmula sa nilikhang pangalan ng isang NDFP tournament. Isang tournament na mayaman sa tradisyon ng makabagong pananaw at panibagong simulain. Dahil tinitingala ang kasaysayan ng Darterong Pinoy dart tournaments, ginamit ang Darterong Pinoy bilang larawan ng makabagong dartero na naghahangad ng panibagong kapaligiran, kultura at aspirasyon.

Ngunit habang lumilipas ang panahon ang terminong Darterong Pinoy ay pangkaraniwan nang ginagamit na ang tinutukoy ay ang kabuuang Pilipinong Dartero. Kaya kung dati ang Darterong Pinoy ay binibigkas lang sa circulo ng mga NDFP, ito ay naging karaniwang termino na ng mga dartero. Ito ang ebulosyon ng terminong Darterong Pinoy – kung saan nagmula, ang una at ang kasalukuyang kahulugan.

Sa ibang paksa naman, marami ang nagtatanong kung saan nanggaling ang mga kasalukuyang dartero upang lalo pang mapalaganap ang darts. Sa isang market research na kinomisyon ng NDFP siniyasat ang pinagmulan ng mga dartero at ang lumabas ay ang tinatawag na “breeding grounds” ng dartero.

Ang pinagmulan ng dartero ay barangays 46%, Offices kasama na ang gobyerno at pribadong korporasyon 24%, dart clubs and dart venues 19% at mga eskuwela 11%.

Hindi katakataka na ang barangays ay ang pinagmulan ng halos kalahati ng dartero. Lumalaganap ang mga inter-barangay dart leagues, mga dart tournaments kasama na ang free-registration tournaments sa suporta at sponsorship ng mga Local Government Units (LGU).

Kasama ang darts sa mga inter-department at national sportfest ng mga gobyerno at pribadong korporasyon at nakakapag-enganyo ng mga bagong dartero. At ang pambansang mga lokal dart associations ang nagsisiwalat ng darts sa publiko sa kani-kanilang dart venues.

At sa tanong na “kailan nagumpisang maglaro” - Ang 7-12 na gulang ay 7%, 13-19 ay 33%, 20-29 ay 33%, 30-39 ay 21% at ang 40-49 na gulang ay 6%.

Ang paglalaro ng darts ay isa sa pinakamurang libangan at walang pinipiling edad. Ang kagamitan sa larong darts ay abot-kaya ng karaniwang manlalaro at walang renta sa mesa gaya ng bilyar at laruan gaya ng badminton. Ang dartboards ay maisasalpak sa garahe, kalye o sa opisina. Sa hirap ng panahon masayang libangan ang darts.

 
   
Updated June 20, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.