www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
Tumbok Articles:
March 6, 2008
March 14, 2008
March 29, 2008
April 18, 2008
April 25, 2008
May 02, 2008
May 09, 2008
May 16, 2008
May 23, 2008
May 30, 2008
June 6, 2008
June 14, 2008
June 20, 2008
June 27, 2008
July 04, 2008
July 18, 2008
July 25, 2008
August 1, 2008
August 08, 2008
August 22, 2008
August 29, 2008
September 5, 2008
September 12, 2008
September 19, 2008
September 26, 2008
October 03, 2008
October 10, 2008
October 17, 2008
October 31, 2008
November 7, 2008
November 14, 2008
November 21, 2008
 
 
 
 
VOL. VIII NO. 305 HULYO 25, 2008 BIYERNES  

Handa na ang Association of General Santos City Darters (Agendarts) at si Manny Pacquiao sa paglunsad ng pinakamalaking dart tournament ng 2008 – ang P300,000 Pacman Cup 2008 na gaganapin sa General Santos City sa Agosto 1-3, 2008. Bisitahin ang ndfpdarts.com sa kabuuang detalye.

Ang Pacman Cup ay isang National Darts Federation of the Philippines (NDFP) sanctioned ranking event. Ito ang huling tournament na makapagkakamit ng NDFP ranking points upang mapasali sa top 16 ranked players ng NDFP at maging seeded sa darating na Philippine Qualifier sa World Darts Championship sa Setyembre.

Masusukat ang galing ng Mindanao darters sa inaasahang paglahok ng mga pinakamagagaling na manlalaro sa ibat-ibang bahagi ng bansa. Natiempo pa ang Pacman Cup sa Promo Fares ng isang airline kaya marami ang maglalaro at naghahangad makalaro ang idolo ng bansa, si Manny Pacquiao.

Si Manny Pacquiao ay lubusang nag-eensayo hindi sa laban niya sa boxing ngunit sa laban niya sa darts. Si Manny ay lalaro sa Pacman Cup at makikita ang kanyang naiibang pukol ng darts. Parang boxing kaliwa at kanan kayang kaya niyang ibato ang darts.

Samantala noong nakaraang lingo matagumpay ang P100,000 T’nalak Open sa Koronadal City, South Cotabato, sa pangangasiwa ng South Cotabato Darters (Socodarts). Malaking kahalagahan ang pagtataguyod ni Jong Gonzales, ang pangulo ng Mindanao Archipelago Darts Federation (MADF), sa tagumpay ng T’nalk Open. Ang kabuuang manlalaro sa ibat-ibang events mula youth hanggang four-man teams ay umabot ng isang daan at apatnapung dartero (140).

Ang mga dartero ng Metro Davao Dart Association ang nagtunggali sa kampeonato ng Open Singles. Nagkampeon si Bebot Mangle ng talunin niya si King Gumanid sa iskor na 5-3.

Umabot sa decision game ang Ladies Singles, kung saan nagkampeon si Jan Jan Hinojales (Robson-Davao) at pumangalawa si Sheila Brana ng Socodarts, Koronadal.

Ang programa ng Dart Federation ng Kutawato (DFK), sa kabataan ay tuluyang nagbubunga. Kampeon si Tata Sarmiento at pangalawa si Daryl Bacera, parehong DFK players.

Ang nagkampeon sa Fixed Four-Man Team event ay ang Team Robson nila Ian Perez, Boie Parfan, Jojo Barellano at Bert Lozano. Ang pumangalawa ay ang dejadong team DFK nila Tinoy Guerra, Roland Ade, Popoy Langilao at King Gumanid.

Sa bagong event na Classified Fixed Three-Man Team, kung saan isang classified player lang ang maaring maglaro, ang Team Spectra ang nagkampeon na kinabibilangan nila Boie Parfan (Robson) , Ronnel Botor, (Abu Dhabi) at Juvic Lechonsito (Socodarts) at ang Team DFK ang pumangalawa nila JJ Sinsuat, Dennis Talagtag at King Gumanid.

Sina Ian Perez (Robson-Koronadal) at Boyet Go (Agendarts) ang nagkampeon sa Classified Draw Doubles at sina Pabling Cadungog (Directors) at Renato Teves (Socodarts) ang pumangalawa.

Hindi inaasahan ang magandang ipinakita ng mga DFK players. May bagong sigla ang Dart Federation ng Kutawato (DFK) sa bagong panguluhan ni Datu Duma ‘JJ” Sinsuat III, na siya ring Sports Coordinator ng Cotabato City. Ang mataas na pukol ng mga Metro Davao Darters ay nagmula sa lumalaganap na panglunsod na mga dart tournaments sa pamumuno ni Boy Gludo sa Davao City. Pumupuesto na ang manlalaro ng Socodarts at dahang-dahang sumasabay sa mga malalakas na dartero. Ang paglaki at pagsulong ng darts ay bumubulusok.

 
   
Updated July 25, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.