www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
Tumbok Articles:
March 6, 2008
March 14, 2008
March 29, 2008
April 18, 2008
April 25, 2008
May 02, 2008
May 09, 2008
May 16, 2008
May 23, 2008
May 30, 2008
June 6, 2008
June 14, 2008
June 20, 2008
June 27, 2008
July 04, 2008
July 18, 2008
July 25, 2008
August 1, 2008
August 08, 2008
August 22, 2008
August 29, 2008
September 5, 2008
September 12, 2008
September 19, 2008
September 26, 2008
October 03, 2008
October 10, 2008
October 17, 2008
October 31, 2008
November 7, 2008
November 14, 2008
November 21, 2008
 
 
 
 
VOL. VIII NO. 242 MAYO 23, 2008 BIYERNES  

Sukdulan ng dami ang lumahok sa NDFP organized Chris Sports and Robson Sportscraft P10,000 Free-Registration Tournament sa Tañong Basketball Court, Marikina City, noong naka lipas na Sabado. Hindi inaasahan ang dalawang-daan at walumput-dalawang (282) darterong sumugod sa lakas ng ulan at hangin ng bagyong Cosme.

Malamang ito na ang pinaka-malaking P10,000 tournament kahit sumabay pa ang isang P15,000 free-registration tournament na ginanap din sa Marikina. Ngunit sa kasawiang palad, ang mas malaking P15,000 tournament ay hindi man lang nangalahati sa dami ng umagos na dartero sa Tañong.

Sa dami ng manlalaro napilitang baguhin ang format ng laro. Sa halip na 501 best of 3 sa winners bracket at 701 single game sa losers bracket, ang naging pasya ng Tournament director ay gawing single game 701 na lang sa winner’s at loser’s brackets.

Madaling araw man natapos ang tournament, kahit labing-walong (18) dartboards na ang ginamit, ang mga dartero ay umuwing masasaya sa dalawang –daang (200) flights and shafts at dalawang dartboard na pina-raffle ng sponsors – Chris Sports at Robson Sportscraft.

Higit pang pinasaya ang mga dartero, nang ipinahayag ng panauhing pandangal, Vice-Mayor Marion Andres ng Marikina City, ang isa pang P10,000 free-registration dart tournament na kanyang tatangkilikin sa darating na buwan.

Buong pusong nagpapasalamat ang NDFP sa mga darterong pinahalagaan at sinuportahan ang kauna-unahang organized dart tournament ng NDFP sa NCR; lalo na ang mga manlalarong nagmula pa sa malayong purok ng Cabiao, Nueva Ecija at Batangas City.

Samantalang hinihintay natin ang lugar at araw ng P10,000 Free-Registration Vice Mayor Andres Cup, ang P10,000 Free-Registration Ariel Inton Cup ay nakatakda sa ika-7 ng Hunyo sa Project 4, sa pangangasiwa ng MP4 (Marilag Project 4 Dart Association) nila Edwin Angeles at Errol Selga. Bisitahin ang ndfpdarts.com sa kabuuang detalye.

Kapuna-puna ang dami ng mga kabataang naglalaro, pumupuwesto at nagwawagi sa mga dart tournaments. Gaya ni Jayson Bautista ng Angalo Circuit Dart Club (ACDC) ng Tondo, isang labing apat na taong gulang na nagkampeon sa Del De Guzman Cup. Ang mga manlalarong Christopher Enriquez ng Pasig City, Julius Revillo at Martin Mateo ng Santolan, Pasig ay ilan sa mga pumuestong kabataan.

Ang sigla ng kabataan ay hindi isang nagkataong pangyayari ngunit isang commitment na ipinatutupad sa programa ng NDFP. Ang NDFP lang ang naglulunsad ng Youth Singles. Ito ay makikita sa ilang pambansang tournaments gaya ng Darterong Pinoy, Talakudong Open, at ilang napipiling sanctioned tournaments ng NDFP. Ang lahat ng Youth Singles ay libre at walang bayad.

Ang kahalagahan ng mga tournaments na ito ay may tutumbuking laro na nakalaan lang sa kabataan. Si Ian Perez ng Koronadal ang unang kampeon ng Darterong Pinoy (DP) Youth Singles noong 1999 at nag-kampeon na rin ng DP Open Singles 2005, at kasalukuyang ranked number 2 ng NDFP. Nahasa si Ian mula pa noong kabataan.

Ang binhing itinanim sa kabataan ay sumisibol na. Ilang halimbawa ay sa Cotabato City sa ilalim ng Dart Federation ng Kutawato (DFK) at sa Upi, Shariff Kabunsuan kung saan kasama na ang dart programs para sa kabataan. Tuloy-tuloy ang youth programs sa NCR ng ACDC ng Tondo, United Darters of Taytay (UDT) at sa Escopa, Project 4.

Ang kinabukasan ng darts ay nasa kabataan.

 
   
Updated May 23, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.