www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
Tumbok Articles:
March 6, 2008
March 14, 2008
March 29, 2008
April 18, 2008
April 25, 2008
May 02, 2008
May 09, 2008
May 16, 2008
May 23, 2008
May 30, 2008
June 6, 2008
June 14, 2008
June 20, 2008
June 27, 2008
July 04, 2008
July 18, 2008
July 25, 2008
August 1, 2008
August 08, 2008
August 22, 2008
August 29, 2008
September 5, 2008
September 12, 2008
September 19, 2008
September 26, 2008
October 03, 2008
October 10, 2008
October 17, 2008
October 31, 2008
November 7, 2008
November 14, 2008
November 21, 2008
 
 
 
 
VOL. VIII NO. 368 SEPTYEMBRE 26, 2008 BIYERNES  

Ang pinamalaking pagtitipon ng mga dartero sa kasaysayan ng darts sa Pilipinas ay ginanap noong Robsons Sportscraft P100,000 Free-Registration Darterong Pinoy sa Sta Lucia East Grand Mall, Setyembre 19-21, 2008. Sapat na sapat ang 44 dartboards na nilarga ng National Darts Federation of the Philippines, ang nangasiwa ng Darterong Pinoy.

Ang unang event na Classified Draw Doubles noong Setyembre 19 ay umabot ng 398, Fixed Doubles ay 356, Four-Man team 316, Open Singles 258, Mixed Doubles 70, at ang mga Singles event ng Youth 52, Seniors 45 at Ladies 38. Ang kabuuang registration sa lahat ng events ay umabot ng 1,533. Ang mga lumahok ay nanggaling sa ibat-ibang bahagi ng kapuluan mula Baguio hanggang Mindanao.

Si Camille Flaviano, isang labing dalawang (12) taong gulang na manlalaro sa Ladies Singles, mula sa San Antonio, Zambales, ang naging “darling of the crowd’ ng sunod-sunod niyang talunin ang mga beteranang manlalaro at umabot sa laban ng pagkakampeonato ng Ladies’ Singles. Sa masayang sigawan at palakpakan ng mga nanood, kapansin-pansin na may nangyayaring hindi pangkaraniwan. At sa pagkampeonato ng Ladies’ Singles, pambihirang dami ng tao ang nanood.

Katunggali ni Camille sa kampeonato si Jan Jan Hinojales ng Davao City, ang number one ranked player ng NDFP. Ang malaking karanasan ni Jan Jan na maglaro sa intablado ng kampeonato ay nagsilbing kalamangan niya sa kulang at unang Singles tournament ni Camille. Nabigo man si Camille, marami siyang pinasaya.

Si Camille ay nasa Grade six ng San Antonio Elemntary School – anim na buwan palang naglalaro at hiram lang ang ginamit na dart sets noong araw na yon. Ang katangian ni Camille ay magaling siyang magbawas at magkwenta ng kanyang score at mahinahon maglaro. Tuwang tuwa si Butch Echeverri, ang pangulo ng Zambales darters at namumuno ng tatlumpung manlalaro mula Zambales.

Kapanapanabik ang kampeonato ng Open Singles kung saan nagwagi si Lourence Ilagan sa decision game 4-3 laban kay Orlan Bernardino ng Taytay. Sa Youth Singles si Jaypee de Tablan ng United Darters of Taytay ang nagkampeon sa kanyang huling laban bilang youth player pagkatapos ng pagpupuwesto niya noong mga nakaraang Darterong Pinoy. Si Abat Logatiman ang pumangalawa noong huling Darterong Pinoy ay nagkampeon sa Seniors Singles ng talunin niya si Rizal Malicsi ng Baguio City 4-3.

Sa Four-Man Team, ang Pier 1-Navotas ang kampeon na kinabibilangan nila Boy Gionzon, Nayr Ocampo, Tolits Caluban at William Labjuan. Ang mga ibang nagkampeon ay sina Arby Briones ng Baguio at Cris Salinas ng Pasay City sa Classified Draw Doubles, Boie Parfan at Orlan Bernardino ng Robson sa Fixed Doubles at Jan Jan Hinojales at Boie Parfan ng Robson sa Mixed Doubles.

Samantala, ang Philippine Qualifier World Darts Championship na gaganapin sa Sta Lucia East Grand Mall ay mag-uumpisa ng Open Qualifying sa Setyembre 25, kung saan kukunin ang 16 players para sa Round Robin Phase kasama ang top 16 NDFP ranked players at ang 8 wild card regional qualifier. Ang mga side events ay ang sumusunod: Setyembre 26 ay ang P21,000 Classified Draw Triples, 8:00PM; Setyembre 27 ay ang P17,000 Classified Draw Doubles 7:00PM at sa Linggo Setyembre 28 ay ang P17,000 Open Draw Doubles, 1:30PM.

Ang Philippine Qualifier champion ay maging kinatawan ng Pilipinas sa World Darts Championship, ang pinakamayamang dart tournament sa buong daigdig kung saan ang katumbas na P60M ang papremyo. Ito ay gaganapin sa London, Inglatera sa Disyembre 19 hanggang ika-4 ng Enero, 2009.

 
Top 16 Open Singles  
View Complete Results and Pictures  
Updated Sept. 26, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.