|
|
|
Tumbok
Articles: |
|
March
6, 2008 |
March
14, 2008 |
March
29, 2008 |
April
18, 2008 |
April
25, 2008 |
May
02, 2008 |
May
09, 2008 |
May
16, 2008 |
May
23, 2008 |
May
30, 2008 |
June
6, 2008 |
June
14, 2008 |
June
20, 2008 |
June
27, 2008 |
July
04, 2008 |
July
18, 2008 |
July
25, 2008 |
August
1, 2008 |
August
08, 2008 |
August
22, 2008 |
August
29, 2008 |
September
5, 2008 |
September
12, 2008 |
September
19, 2008 |
September
26, 2008 |
October
03, 2008 |
October
10, 2008 |
October
17, 2008 |
October
31, 2008 |
November
7, 2008 |
November
14, 2008 |
November
21, 2008 |
|
|
|
|
|
VOL.
VIII NO. 411 Nobyembre 7, 2008 BIYERNES |
|
Tuloy na tuloy na ang Manny Pacquiao 2Million International Darts
Classic, ang pinakamayamang papremyo sa kasaysayan ng dart sa Pilipinas.
Ito ay inisponsoran ng ating world boxing champion at national icon
Manny Pacquiao at nakatakda sa Disyembre 12-15 sa kanyang hometown
sa General Santos City. Ito ay gaganapin sa Lagao Gymnasium, isang
air conditioned gym, kung saan naglaro ang dating SocSarGen Marlins
ng MBA.
Ang hangarin ni Manny sa paglarga ng dalawang milyong papremyo
ay upang mabigyan ng inspirasyon ang ating mga darterong magsikap
sa ensayo. Naniniwala si Manny sa galing ng Pinoy na makakaabot
ng pangdaigdigang pagkilala mabigyan lamang ng sapat na suporta
at exposure. Kaya nga noong Agosto at Setyembre ay inisponsoran
niya ang pinakamalalaking papremyo ng taon, ang dalawang Pacman
Cup na naghahalaga ng P300,000 ang bawat isa.
Ang sabi nga ni Manny “Sports ang buhay ko at malaking
biyaya ang binigay nito sa akin at sa pamilya ko. Naniniwala ako
na maibigay din sa sports ang biyayang nakamtan namin.”
Malapit ang puso ni Manny sa darts sapagkat may pambihirang hilig
siya sa darts. Gabi-gabi matapos ang kanyang training siya ay
bumabato ng darts sa halip na mag-pusoy o mag karaoke. May naiibang
galing din siya na kayang-kaya niyang bumato ng darts sa kanan
at kaliwang kamay.
Isasalang ang 48 Razor dartboards upang maaliwalas na makapaglaro
ang inaasahang 400-500 na manlalaro na magmumula sa buong kapuluan
at ibang bansa. Ang ating mga kilalang manlalaro na mga OFWs sa
UAE ay dadayo sa torneo gaya nila Joseph Domanais, Gerry Flores
at Joel Hizon. May dalawang koponan para sa Four-Man Team championship
ang papadala ng NDFP Middle East mula sa Dubai at Abu Dhabi. Ilang
mga balikdarters ang muling maglalaro gaya ng bantog na Gale Santos,
isang kampeong dartero noong araw. Inaasahan din ang mga manlalaro
mula sa Malaysia at Singapore. Muling magsasama-sama ang mga hindi
nagkikitang dartero at isang malaking dart reunion ang mangyayari.
Di man manalo ng premyo panalo pa rin sa kaibigan.
Ang apat na araw na torneo ay organized ng National Darts Federation
of the Philippines (NDFP) at suportado ng Mindanao Archipelago
Dart Federation at ng Association of General Santos Darters. Noong
nakaraang linggo, si NDFP President Tito Soncuya ay bumisita sa
General Santos City at nakipag-ugnayan kay Mayor Pedro Acharon
upang matiyak ang maayos na koordinasyon sa lokal na pamahalaan
ng Gensan. Nakakuha na din sa ilang hotels ng special darter’s
discounts.. Bumisita sa ndfpdarts.com para sa kabuuang detalye
ng Manny Pacquiao 2M Interntional Darts Classic.
|
|
Updated
Nov. 07, 2008 |
|
|