www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
Tumbok Articles:
March 6, 2008
March 14, 2008
March 29, 2008
April 18, 2008
April 25, 2008
May 02, 2008
May 09, 2008
May 16, 2008
May 23, 2008
May 30, 2008
June 6, 2008
June 14, 2008
June 20, 2008
June 27, 2008
July 04, 2008
July 18, 2008
July 25, 2008
August 1, 2008
August 08, 2008
August 22, 2008
August 29, 2008
September 5, 2008
September 12, 2008
September 19, 2008
September 26, 2008
October 03, 2008
October 10, 2008
October 17, 2008
October 31, 2008
November 7, 2008
November 14, 2008
November 21, 2008
 
 
 
 
VOL. VIII NO. 319 AGOSTO 8, 2008 BIYERNES  

Ang pinakamagagaling na dartero ng bansa ay nagtagpo sa pinakamalaking dart tournamaent ng taon, ang P300,000 Pacman Cup ni Manny Pacquiao noong Agosto 1-3, 2008 sa General Santos City. Humigit kumulang sa dalawang daan at limangpung (250) dartero ang lumahok mula sa Baguio City hanggang Isabela City sa lalawigan ng Basilan.

Si Manny Pacquiao, ang nagtaguyod ng Pacman Cup ay hindi nakadalo at humihingi ng paumanhin lalo na sa mga manlalarong inaasahan siyang makita at makalaro. Siya ay biglaang nagtungo sa Estatos Unidos upang suriin ang kasunduang inaayos sa laban niya kay Oscar de la Hoya. Wala man si Manny, ang mga kaganapan ng torneyo ay pinadokumento niya sa pamamagitan ng mga larawan at videocam upang mapanood niya pagdating.

Ang Pacman Cup ay sa ilalim ng masiglang pangangasiwa ng Association of General Santos City Darters (Agendarts) sa pamumuno ni Alain Commendador, Boyet Go, Arnel Lautenco at Bobot Estrellan. Ito ay isang NDFP sanctioned ranking event na may mataas na puntos dahil sa laki ng papremyo at dami ng naglaro. Ang Pacman Cup ay ang huling torneyo na makakapagpasiya ng top 16 ranked players ng NDFP upang makasali bilang seeded players ng Philippine Qualifier sa World Darts Championship.

Toto Andrade ng Tondo, Manila ang hindi inaasahang nagkampeon sa Open Singles ng P300,000 Pacman Cup. Papuntang finals, nilaglag ni Toto si Arby Briones, ang pangunahing manlalaro ng Baguio City, pagkatapos ay ang beteranong Lourence Ilagan, at panghuli si Ian Perez ng Robson-Koronadal, ang NDFP 2nd ranked player sa kampeonato. Ang tinalo ni Ian Perez papuntang finals ay si Orlan Bernardino ng Taytay, Rizal.

Sa pagkapanalo ni Toto Andrade siya ay nakapasok sa pang- labing limang pwesto ng NDFP ranking at si Ian Perez ay bumalik sa pang-unang pwesto.

Sa wakas, si Sheila Brana ng Socodarts-Koronadal ay nakalusot kay Jan Jan Hinojales ng Robson-Davao sa kampeonato ng Ladies’ Singles.

Ang mga kabataan ng DFK, Cotabato City ang muling nagtunggali sa Youth Singles kung saan kampeon muli si Tata Sarmiento at pumangalawa si Daryl Bacera.

Sa Fixed Four-Man Team ang koponan ng Bullshooters-Manila nila Lorenz Ilagan, Arby Briones, Robert Calumpit at Ding Sumulong ang nagkampeon at ang Federation of Metro Davao Dart Associations nila Bebot Mangle, King Gumanid, Long Longyapon at Ogie Castelo ang pumangalawa

Nick Paderes ng Cagayan de Oro City at si Emay Remolino ng Socodarts-Koronadal ang kampeon sa Classified Draw Doubles at sila Allan Medroso ng Cagayan de Oroc City at Ricky Mijares ng Robson-Manila ang pumangalawa.

Ang kampeon sa Classified Three-Man Team ay sila Arby Briones, Boy Gionzon at Chris Bayron samantalang sina Bryan Decena, Macoy Refresca at Alain Migroso ang pumangalawa.

Matagumpay ang Pacman Cup at inaasahang maulit sa susunod na taon.


 
   
Updated Aug. 08, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.