www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
Tumbok Articles:
March 6, 2008
March 14, 2008
March 29, 2008
April 18, 2008
April 25, 2008
May 02, 2008
May 09, 2008
May 16, 2008
May 23, 2008
May 30, 2008
June 6, 2008
June 14, 2008
June 20, 2008
June 27, 2008
July 04, 2008
July 18, 2008
July 25, 2008
August 1, 2008
August 08, 2008
August 22, 2008
August 29, 2008
September 5, 2008
September 12, 2008
September 19, 2008
September 26, 2008
October 03, 2008
October 10, 2008
October 17, 2008
October 31, 2008
November 7, 2008
November 14, 2008
November 21, 2008
 
 
 
 
VOL. VIII NO. 382 Oktubre 10, 2008 BIYERNES  

Ang panglimang P10,000 free-registration tournament sa Metro Manila sa taong ito ay ang P10,000 Classified Draw Doubles Free Registration Dante de Guzman Dart Tournament sa ika-18 ng Oktubre ika-8 ng gabi sa Barangay Marilag Covered Court, Project 4, Quezon City. Ito ay ilalarga ng Greater Project 4 (GP4) United Darts Club sa pamumuno nila Errol Selga at Edwin Angeles.

Ang paglulunsad ng mga free-registration tournaments ay hindi pangkaraniwang pangyayari. Ang kaugalian ay magkaroon ng pondo ang nagpapalaro o mga lokal dart organizations sa pamamagitan ng registration fees samantala ang papremyo ng torneo ay sagot na ng sponsor. Ngunit may naiiba at bagong malasakit ang nangingibabaw sa layunin ng mga nagpapalarong lokal na dart organizations, ang mapalawak at mapasaya ang mga dartero higit pa sa kumita ng pondo.

Ang mga nangungunang nagpapalaro ng free-registration tournaments ay ang Marikina City Dart Organization (MCDO) sa pamumuno ni Omeng Dumlao at ang GP4 Darts Club ng Project 4, Quezon City. Ang mga umuusbong na free-registration tournaments ay bunga na rin ng pagtingala sa P100,000 Free-Registration Darterong Pinoy, ang itinuturing na ina ng free-registration tournaments sa bansa mula pa noong 2003. Muling mabanggit na ang Darterong Pinoy, ng NDFP, ay ang nag-iisang P100,000 free-registration tournament kung saan makikita ang pinakamalaking pagtitipon ng mga dartero.

Ang sabi nga ni Edwin Angeles ay “ muling namungkahing bumalik ako sa darts ng lumahok ako sa isang Darterong Pinoy at nakita ko na ibang-iba na ang kulturang umiiral sa larong darts. Ang aming mga free registration tournaments ng GP4 ay upang makibahagi sa bagong pambansang pananaw at layunin.”

Samantala, ang flyer ng pinakahihintay na Manny Pacquiao P2 Million International Darts Classic na idadaos sa General Santos City sa Disyembre 12-15, 2008 ay makikita na sa ndfpdarts.com website. Sa tulong at pagtangkilik ni Manny Pacquiao ito na ang magiging pinakamalaking dart tournament sa bansa. Dahil siya ay matimtimang naghahanda sa laban niya kay Oscar de la Hoya ang pangangasiwa ng torneo ay ipinamahala sa NDFP. Ang torneo ay bahagi sa pagdiriwang niya sa kanyang kaarawan sa Disyembre 17.

Sa P920,000 Open Singles, ang kampeon ay magwawagi ng P320,000, pangalawa ay P160,000, ang pangatlo at pang-apat ay tig-P75,000 at abot sa top 64 ang papremyo.

Upang magkaroon ng pagkakataon ang

mga baguhan at hindi kagalingang manlalaro, may dalawang classified events – ang P160,000 Classified Draw Doubles at ang P250,000 Classified Draw Triples. Ang layunin ng Classified Events ay upang ma-level ang playing field. Sa events na ito hindi maaaring magtambal ang tinatawag na classified players, ang magagaling na dartero, upang mabigyan ng pagasa ang mga hindi kagalingang manlalaro.

Ang mga ibang events ay ang P400,000 Four (4) Person Team, P150,000 Fixed Doubles, P100,000 Ladies’ Singles at ang P20,000 free-registration Youth Singles.

Mapagbigay ang pagkahati ng papremyo na umaabot sa top 32. Ang mga entry fees ay abot-kaya ng karamihan at nagsisimula sa P250.00 sa doubles, P300 sa triples at ladies’ singles at P750.00 sa Open Singles.

Abangan ang latest updates sa torneo sa mga susunod na Dartero Korner.

 
Updated Oct. 10, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.