www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
Tumbok Articles:
March 6, 2008
March 14, 2008
March 29, 2008
April 18, 2008
April 25, 2008
May 02, 2008
May 09, 2008
May 16, 2008
May 23, 2008
May 30, 2008
June 6, 2008
June 14, 2008
June 20, 2008
June 27, 2008
July 04, 2008
July 18, 2008
July 25, 2008
August 1, 2008
August 08, 2008
August 22, 2008
August 29, 2008
September 5, 2008
September 12, 2008
September 19, 2008
September 26, 2008
October 03, 2008
October 10, 2008
October 17, 2008
October 31, 2008
November 7, 2008
November 14, 2008
November 21, 2008
 
 
 
 
VOL. VIII NO. 411 Nobyembre 14, 2008 BIYERNES  

Ang sambayanang dartero ay bumabati sa mga Darterong Pinoy na nagwagi sa Singapore Open noong nakaraang Nobyembre 8-9, 2008. Si Robert Reyes ng Antipolo ang kampeon ng Open Singles ng talunin niya si Terrence Shah ng Singapore sa iskor ng 4-2 sa best of seven finals. Ang mga pumuwesto sa singles ay sina Arbi Briones ng Baguio top 4, Lourence Ilagan ng Cainta top 8 at si Warren Perolino top 16.

Dalawang koponan mula sa Pilipinas ang lumahok sa dalawang events ng Singapore Open.
Kampeon sa Four-Man Team event ay ang Bullshooters na kinabibilangan ng mga batikang international players na sina Robert Reyes, Lourence Ilagan, Arbi Briones at Toto Andrade. Ang FC Dynamics ay ang koponan nila Boie Parfan, Ian Perez, Warren Perolino at Ricky Santiago na pumuwestong joint 3rd placers.

Ang naging talk of the town ay si Ian Perez, ang number one ranked NDFP player na ngayon lang lumabas ng bansa upang maglaro ng darts. Hindi kilala si Ian ng Malaysian at Singapore players at sila ay nagulat sa ipinakitang tibay ni Ian kahit ngayon lang lumaro sa ibang bansa. Kapansin-pansin din ang ipinakita ni Warren Perolino na ngayon lang din naglaro sa labas ng bansa. Sayang hindi nakapaglaro si Ian sa Open singles. Napagkaisan ng mga organizing committee na ibahin ang umpisa ng Open Singles at si Ian ay na-default.

Nagpapasalamat ang sambayanang dartero sa Filipino Aircraft Maintenance Association ng Singapore na sumuporta sa ating mga dumayong dartero. Lalo na ang mga nag-sponsor ng koponan mula sa Pilipinas na sina Michael Ramirez, Alvin Fereira at si Randy Mirabueno, na mga airline mechanics sa Singapore.

Maraming torneo ang nakasalang hanggang sa pagtatapos ng taon, gaya ng Malacca Open, Sabah Open, Hongkong Open, Philippine Open, Manny Pacquiao 2Million International Darts Classic at ang paglalaro ng ating Philippine Qualifier sa World Darts Championship. Marami pang pagkakataon na magpakita pa ng gilas ang ating mga Darterong Pinoy.

Samantala, ang 3rd Conference ng Marikina City Dart Organization Dart League ay nagumpisa na noong Lunes sa BITES Bar and Grill sa Gil Fernando Avenue, Marikina City. May apatnapung koponan ang nagpatalang sumali na nahahati sa anim na koponan sa Division A, 16 teams sa Division B ay 18 teams sa Division C. Marami ang baguhang dartero kaya maraming koponan sa Division C.

Si Congressman Del de Guzman ng Marikina ang panauhing pandangal at nagbukas ng liga at siya din ang nag-sponsor nitong kaunaunahang free registration dart league.


 
Updated Nov. 14, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.