www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
Tumbok Articles:
March 6, 2008
March 14, 2008
March 29, 2008
April 18, 2008
April 25, 2008
May 02, 2008
May 09, 2008
May 16, 2008
May 23, 2008
May 30, 2008
June 6, 2008
June 14, 2008
June 20, 2008
June 27, 2008
July 04, 2008
July 18, 2008
July 25, 2008
August 1, 2008
August 08, 2008
August 22, 2008
August 29, 2008
September 5, 2008
September 12, 2008
September 19, 2008
September 26, 2008
October 03, 2008
October 10, 2008
October 17, 2008
October 31, 2008
November 7, 2008
November 14, 2008
November 21, 2008
 
 
 
 
VOL. VIII NO. 207 ABRIL 18, 2008 BIYERNES  

Si Eric Flores, OFW sa Dubai, ang nagwagi sa 1st United Filipino Dart Club (UFDC) Invitational Dart Tournament, Open Singles sa Howard Johnson Diplomat Hotel, Abu Dhabi, noong nakaraang ika-21 ng Marso, 2008. Tinalo ni Eric sa decision game si Joseph Domanais, isang beteranong dartero na naglaro na sa World and Asia Cups at kasalukuyang OFW sa Abu Dhabi.

Ang Championship ay isa sa pinakamaganda at pinakamagaling na nilaro sa United Arab Emirates (UAE) at maihahantulad sa isang pangdaigdigang paligsahan. Ang average darts na ibinato ay mula 12 hangang 15 darts outing.

Sila Joel Hizon, Hongkong Open Champion 2005 at Rene Semira ang nagkampeon sa Open Doubles. Walungpung dartero ang naglaro sa dart tournament na may total cash prize na 6,500 Dirhams katumbas ng P75,000.

Makasaysayan itong dart tournament dahil ito ang unang international tournament na sanctioned ng NDFP. At ganon din ang UFDC, sila ang unang overseas Filipino dart organization na affiliated sa NDFP.

Ang matagumpay na tournament ay sa ilalim ng United Filipino Darts Club ng Abu Dhabi sa pamumuno ni Ding Arduo, ang bagong predidente.. Si Ronnel Botor ang pangunahing namuno sa pagtatag ng UFDC noong 2005. Mabilis ang pagbubuo ng mga darterong pinoy sa Abu Dhabi dahil sa bukas at kapani-paniwalang palakad ng namumuno.

Ang lugar ng Abu Dhabi-Dubai ay kinapapalooban ng pinakamalaking pagtitipon ng top ranked Filipino darters sa labas ng Pilipinas. Naandito sila Jerry Flores, Rey Sevillo, Bobby Concepcion Eric Flores, Joel Hizon at Joseph Domanais to name a few. Ito ay hindi isang coincidence ngunit bunga ng pag-iimport ng Filipino darters.

Ang yumaong Freddie Dean ang unang nagpunta sa Abu Dhabi bilang player ng isang Arabong manager, noong 2000, kung saan siya nagpakita ng gilas. Dinala niya ang ilang magagaling na
Dartero at hindi nagtagal, ang ibang Arabong dart managers ay nagparating na rin ng ibang Filipino darters. The rest is history.

Babalik tayo sa Pilipinas, sa Abril 26 ay ang Governor Teresita S. Lazaro Cup, P25,000 Dart Tournament, isang NDFP sanctioned tournament. Ito ay gaganapin sa 2nd floor Activity Area ng New Santa Rosa Market, Laguna, katabi ng Santa Rosa City Hall. Singles ay maguumpisa ng ala una ng hapon at susunod ang P15,000 Classified Draw Doubles. Sa kabuuang detalya bisitahin ang www.ndfpdarts.com.

 
   
Updated April 18, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.