www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
Tumbok Articles:
March 6, 2008
March 14, 2008
March 29, 2008
April 18, 2008
April 25, 2008
May 02, 2008
May 09, 2008
May 16, 2008
May 23, 2008
May 30, 2008
June 6, 2008
June 14, 2008
June 20, 2008
June 27, 2008
July 04, 2008
July 18, 2008
July 25, 2008
August 1, 2008
August 08, 2008
August 22, 2008
August 29, 2008
September 5, 2008
September 12, 2008
September 19, 2008
September 26, 2008
October 03, 2008
October 10, 2008
October 17, 2008
October 31, 2008
November 7, 2008
November 14, 2008
November 21, 2008
 
 
 
 
VOL. VIII NO. 256 HUNYO 6, 2008 BIYERNES  

Si Janice “Jan-Jan” Hinojales ang kampeon ng Ladies’ Singles sa Penang Open Darts Tournament, Malaysia, noong nakaraang ika-30 ng Mayo, 2008. Ang mga kalahok na sinagasaan ni Jan-Jan ay ang mga pungunahing dartero ng Malaysia, Singapore at Thailand. Nilampaso ni Jan-Jan ang mga kalaban ng 3-0 mula umpisa hanggang sa semi-finals, ngunit sa championship mahigpit ang labanan at umabot ng decision game kung saan siya nagwagi ng 3-2 iskor.

Binabati ng sambayanang dartero ang matagumpay na pagbabalik ni Jan-Jan sa international competitions. Si Jan-Jan ay nagkamit na ng Silver at Bronze medals sa World Cup ng Darts na hindi pa nadadaig ng sinumang Darterong Pinoy.

Bumalik na rin sana ang tanging galing na naipakita na niya. Gaya ng VisMin Cup, 1999 sa Cagayan De Oro, sa iginuhit ng tadhana, nagkaharap sa VisMin Cup Open Singles ang Ladies Darter of the Year na si Jan-Jan at ang Men’s Darter of the Year na si Dixie Ibanez, kung saan tinalo ni Jan-Jan si Dixie 3-2, sa harap ng napakaraming nanonood. Ito ay isang “Classic Match” na hindi pa rin malimutan ng karamihan.

Si Jan-Jan Hinojales ng Robson-Davao ay muling sasabak sa Asia Dart Circuit sa Malaysian Open sa Agosto 22-24 at sa Singapore Open sa Setyembre 5-7, 2008.

Ang ating mga kalalakihang dartero ay hindi pinalad sa Men’s Singles at walang naka-pwesto. Ito ay isang pang-gising na hamon sa ating mga kalalakihang dartero na dating naghahari sa Asya.

Ang iba pang kaganapan sa larangan ng darts ay ang muling pagkakampeon ng isang kabataan sa
MCDO Kalumpang P8,000 darts tournament noong nakarang Sabado. Si Martin Mateo, isang labing-anim na taong gulang ng Santolan Pasig, ay nakatambal si Darwin Cruz ng Kalumpang, Marikina bilang kampeon sa naturang tournament. Ang mga baguhang manlalaro mula sa United Darters of Taytay (UDT) na sila Roberto Cuyugan at Lloyd Mateo ay pumangalawa.

Bumibisita ang mga Darterong Pinoy mula sa ibang bansa. Naandito sina Ronel Botor ang NDFP Middle East Coordinator, si Jovan Angeles, NDFP coordinator ng Inglatera at si Mark Chua ng Toronto Darts- Canada. Si Ronel Botor at Mark Chua ay naglaro sa Lange Bar and Grill, Q.C. money-in money-out tournament noong ika-28 ng Mayo at nakihalubilo sa mga lokal na dartero.

Ang mga Darterong Pinoy sa buong mundo ay nakakapag-ugnayan sa pamamagitan ng ating website. Ang www.ndfpdarts.com ay isang mahalagang kasangkapan sa pagkakaisa, pagkikilala at pagtataguyod ng Darterong Pinoy. Ang mga pambihirang tagumpay ng Pinoy sa darts sa ibang bansa ay naihahayag at natatamo rin ang kaukulang balita sa pangyayari sa Pilipinas. Dahan-dahan nating itinatayo ang pangdaigdigang ugnayan at support network ng mga dartetong Pinoy.

Bukas ika-7 ng Hunyo, magkita-kita tayo ng ika-8 ng gabi sa P10,000 Free-Registration Ariel Inton Cup sa Bagumbuhay Covered Court sa Project 4 at salubungin natin sila Ronel Botor, Jovan Angeles, Mark Chua at batiin natin si Jan-Jan Hinojales.

 
   
Updated June 6, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.