www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
Tumbok Articles:
March 6, 2008
March 14, 2008
March 29, 2008
April 18, 2008
April 25, 2008
May 02, 2008
May 09, 2008
May 16, 2008
May 23, 2008
May 30, 2008
June 6, 2008
June 14, 2008
June 20, 2008
June 27, 2008
July 04, 2008
July 18, 2008
July 25, 2008
August 1, 2008
August 08, 2008
August 22, 2008
August 29, 2008
September 5, 2008
September 12, 2008
September 19, 2008
September 26, 2008
October 03, 2008
October 10, 2008
October 17, 2008
October 31, 2008
November 7, 2008
November 14, 2008
November 21, 2008
 
 
 
 
VOL. VIII NO. 340 AGOSTO 29, 2008 BIYERNES  

Manny Pacquiao & NDFP President Tito Soncuya“Manny Pacquiao P1,000,000 International Dart Classic” ilulunsad sa Disyembre 12-15, 2008 sa General Santos City. Ito ang pinahayag ni Manny Pacquiao sa mga manlalaro ng Kadayawan National Dart Tournament sa Davao City noong nakalipas na linggo kung saan siya lumahok sa lahat ng dart events mula Biyernes hanggang Linggo.

Ang umpisa ng dart tournament noong Biyernes ay nabulabog ng biglang lumahok si Manny ng walang kasabisabi. Pinagkaguluhan ng mga dartero at walang katapusang picture taking ang nangyari. Parang huminto ang torneo nang naglaro na si Manny at lahat ay gustong manood. Nanalo si Manny at ang kanyang mga kasama sa Classified Draw Triples noong una nilang match ngunit nalaglag sila sa pangalawang laban. Umabot ng joint 5th to 8th places sa Classified Draw Doubles sila Manny at Ian Perez, ang katambal niya sa doubles.

Ang hangad ni Manny sa kanyang paglarga ng isang milyong pisong papremyo sa darts ay mabigyan ng pagkakataon mag pursigi sa ensayo ang ating dartero at abutin ang pandaigdigang pagikilala gaya ng ginawa niya sa boxing.

Inspirasyon din ang sipag ni Manny sa darts na parang sipag niya sa training ng boxing. Kapansin-pansin noong Linggo na walang hintong bato ng bato ng darts si Manny mula alas dos ng hapon hanggang alas dos ng umaga. Nahinto lang siya nang gamitin ang pinaglalaruan niyang championship board para sa kampeonato ng kababaihan. Sa halip na magpahinga siya ang nag-chalker, yung nagtatala ng puntos na binato, sa championship. Kumpara sa karamihan matagal mapagod si Manny sapagkat pagpagod na ang kaliwang kamay kayang-kaya niya bumato ng kanang kamay at yun nga ang ginawa niya noong Lingo.

Bukod sa isang milyong torneo sa Disyembre, nilarga ni Manny Pacquiao sa selebrasyon ng Araw ng Digos ang P300,000 Pacman Cup II sa Setyembre 5-7, 2008 sa Knockout Bar, ang kanyang bar sa Digos City, Davao del Sur. Matatandaan niyo na ang unang P300,000 Pacman Cup ay ginanap lamang noong Agosto 1-3, 2008 sa General Santos City.

Mabalik sa P100,000 Kadayawan Tournament noong Agosto 22-24, sa pangangasiwa ng Federation of Dart Associations Metro Davao at sponsored ng Pagcor, Fundador at Robson Sportscraft. Ang nagwagi sa Fixed Four-Person Team ay ang team Robson nila Bert Lozano, Ian Perez, Jojo Barellano at Orlan Bernardino.

Sa Ladies’ Singles ang kampeonato ay ang hindi inaasahang labing-limang taong gulang na dartero mula sa Butuan City si Aileen Oclarit. Si Jean Mosquera ng Koronadal City ang pumangalawa.

Sa Men’s Singles, ang nangunguna sa NDFP ranking na si Ian Perez ang ng kampeon. Napakaganda ang binato ni Ian sa championship, nagbukas ng 12-darts out, sinundan ng 15-darts at bumato ng 11-darts sa pangapat na laro. Iskor ay 5-0 laban kay King Gumanid ng Davao.

Gising na mga dartero! Iba na ang larangan ng darts sa bansa. Malayo at malawak ang aabutin ng Darterong Pinoy sa sunod-sunod na malalaking torneo – P100,000 sa Cagayan de Oro, Agosto 29-31; P300,000 Pacman Cup II, Setyembre 5-7; P100,000 Free-Registration Darterong Pinoy sa Setyembre 19-21 at ang P120,000 Philippine Qualifier World Darts Championship sa Setyembre 25-28. Bisitahin ang ndfpdarts.com para sa kabuuang detalye.

 
   
Updated Aug. 29, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.