www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
Tumbok Articles:
March 6, 2008
March 14, 2008
March 29, 2008
April 18, 2008
April 25, 2008
May 02, 2008
May 09, 2008
May 16, 2008
May 23, 2008
May 30, 2008
June 6, 2008
June 14, 2008
June 20, 2008
June 27, 2008
July 04, 2008
July 18, 2008
July 25, 2008
August 1, 2008
August 08, 2008
August 22, 2008
August 29, 2008
September 5, 2008
September 12, 2008
September 19, 2008
September 26, 2008
October 03, 2008
October 10, 2008
October 17, 2008
October 31, 2008
November 7, 2008
November 14, 2008
November 21, 2008
 
 
 
 
VOL. VIII NO. 277 HUNYO 27, 2008 BIYERNES  

Ang mga NDFP sanctioned tournaments ay maliwanag nang nakalatag sa kabuuan ng 2008. Ang mga sumusunod ay nakatakda na: P100,000 T’nalak Open, Koronadal, South Cotabato, Hulyo 11-13, 2008; “Pacman Cup” Manny Pacquiao P100,000 National Dart Tournament, General Santos City, Hulyo 25-27; 23rd Kadayawan P100,000 National Championship, Davao City, Agosto 22-24; “TSADArts 2008 Cagayan de Oro” P100,000 Dart Challenge, Agosto 29-31; NDFP Philippine Qualifier World Darts Championship at Darterong Pinoy, Metro Manila, Oktubre at ang Kalimudan Dart Festival, Isulan, Sultan Kudarat ay sa Nobyembre.

May magandang hahantungan ang pagsisikap ng mga dartero. Bukod sa mga nakasalang na P100,000 tournaments sa darating na mga buwan, ang kampeon sa Philippine Qualifier World Darts Championship (WDC) ay magiging kinatawan ng Pilipinas sa pinakamarangal at pinakamayamang pandaigdigang dart tournament, ang PDC World Darts Championship, sa Alexandra Palace, London, England, sa ika-19 ng Disyembre hanggang ika-4 ng Enero, 2009.

Ang 2009 PDC World Darts Championship ay may kahalagang 740,000 pounds, ang katumbas nito ay humigit-kumulang sa animnapung (60) milyong piso. Ito ang pinakamalaking kabuuang papremyo ng darts sa buong daigdig. Ang kampeon ay magkakamit ng katumbas sa sampung (10) milyong piso. Ang lahat ng kalahok ay may garantiyang gantimpalang 2,500 pounds o 200,000 pesos, hangga’t nananalo pataas ng pataas ang gantimpala.

Ang PDC World Darts Championship ay nagsimula noong 1994 nang humiwalay ang isang grupong dartero sa British Dart Organization (BDO) at nagtayo ng Professional Darts Corporation. Pahina na ang darts noon. Ipinatupad ng PDC ang mga panibagong pananaw upang ibalik ang sigla ng darts. Sa ngayon ang pinakamagagaling na dartero at pinakamalalaking tournaments ay nasa ilalaim ng PDC.

Sa labing-limang taon pagkakaroon ng WDC, si Phil Taylor ang nag kampeon ng labing isang (11) ulit, John Part ay dalawa at tig-isa si Dennis Priestly at Raymund Barnaveld.

Ang Pilipinas ay isa sa labing-dalawang (12) bansang maglalaro sa preliminary round. Ang hangad ng Professional Darts Corporation (PDC) ay palawakin ang darts kaya dinadagdagan bawat taon ang mga qualifiers sa buong mundo. Ang total na maglalaro sa WDC ay pitumpung (70) piling-piling dartero sa buong mundo.

Ang Philippine Qualifier WDC ay nagsimula noong nakaraang taon. Ang Solar Sports Entertainment ang pinagkatiwalaan ng PDC sa Philippine Qualifier. Ang NDFP in cooperation with Solar Sports ang nangangasiwa ng paglarga ng event na ito.

Ang 10th Mayor Sema Dart Tournament ,Cotabato City, isang NDFP sanctioned tournament, ay natapos noong nakaraang Sabado. Si Sonny Balagat ng Davao City ang ng kampeon sa Open Singles at pumangalawa si Bryan Decena ng Koronadal City. Sila Bobot Estrellan at Alain Comedador ng GenSan ang joint 3rd and 4th.

Ngayong Sabado, ika-28 ng Hunyo, ay ang P7,000 MCDO-B.I.T.E. Classified Draw Doubles. Ito ay gaganapin sa Marikina City Dart Organization (MCDO) dart league venue Brew In The Evening (BITE) Bar and Restaurant sa Gil Fernando St, Sta Elena, Marikina City. Bisitahin ang ndfpdarts.com sa kabuuang detalye.

 
   
Updated June 27, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.