www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
Tumbok Articles:
March 6, 2008
March 14, 2008
March 29, 2008
April 18, 2008
April 25, 2008
May 02, 2008
May 09, 2008
May 16, 2008
May 23, 2008
May 30, 2008
June 6, 2008
June 14, 2008
June 20, 2008
June 27, 2008
July 04, 2008
July 18, 2008
July 25, 2008
August 1, 2008
August 08, 2008
August 22, 2008
August 29, 2008
September 5, 2008
September 12, 2008
September 19, 2008
September 26, 2008
October 03, 2008
October 10, 2008
October 17, 2008
October 31, 2008
November 7, 2008
November 14, 2008
November 21, 2008
 
 
 
 
VOL. VIII NO. 298 HULYO 18, 2008 BIYERNES  

Manny Pacquiao, ang idolo ng sambayanang Pilipino ay isang dartero.!!

Darts ang isang libangan ni Pacman noong kasalukuyang naghahanda siya sa laban kay David Diaz. At ang balita nga ay ang buong entourage niya, kasama na ang mga body guards ay naglalaro na ng darts at nagpatournament pa siya sa kanila.

Sa kanyang hometown ng General Santos City ay magpapa-tournament siya ng P100,000 Manny “Pacman” Pacquiao Cup 2008 na nakatakda sa Hulyo 25-27, 2008. Sa hindi maiwasang schedule, si Manny ay nasa Amerika sa mga nakatakdang araw ng tournament. Kaya pagdating niya sa Gensan noong Lunes ay kaagad niyang pinatawag ang pamunuan ng AGENDARTS – Association of General Santos City Darters, ang nangangasiwa ng tournament, at pinabago ang araw ng tournament.

Pinabago ni Manny ang araw ng tournament sa Agosto 1-4, 2008 sa kagustuhan niyang lumahok at makita ang mga Darterong Pinoy. Ang papremyo ay pinabago din at mula P100,000 ay ginawa nang P300,000. Kaya inaanyayahan ang mga dartero sa P300,000 Manny “Pacman” Pacquiao Cup 2008 sa Agosta 1-4, 2008 sa Conlu Ecopark and Restaurant, Lagao-Bula Road, General Santos City. Ito ay isang NDFP sanctioned and ranking event at magiging pinakamalaking dart tournament sa nakaraang huling dalawang taon.

Abangan ang panayam ng NDFP kay Pacman sa Agosto at maibabalita dito ang kabuuang kuro-kuro sa kanyang paglalaro ng darts.

Ang NDFP Player’s Recognition Program ay nailunsad na. Ang layunin ng programa ay mabigyan ng sapat na pagkilala ang mga darterong nagkamit na ng tagumpay sa larangan ng darts. Sa mga darterong ito ay ipagkakaloob ang mga karangalang titulong Master, Regional Master, National Master at International Master.

Lahat ng darterong nag kampeon sa NDFP sanctioned Regional, National Tournaments at pumangalawa sa National Tournaments simula noong 2005 ay automatic Masters. Kapag umabot na ng tatlong pagkakampeon sa National Tournaments ay may titulong National Master at tatlong kampeon sa Regional Tournaments ay Regional Master.

Ang tinatawag na National Tournaments ay mga tournaments na may kabuuang papremyong P75,000 at mahigit at ang Regional Tournaments ay ang tournaments na mababa sa P75,000.

Sa ngayon ay may tatlong National Master sina Ian Perez, Jojo Barellano at Boie Parfan. Ang dalawang Regional Masters ay sina Dodong Nollora at Pabling Cadungog at may dalawangput-dalawang Masters. Ang lahat ng mga Regional at National Masters ay nasa Mindanao maliban kay Boie Parfan.

Inayos na din ang mga tinatawag na Classified Players. Ang layunin ng Classified Players ay upang ma-even out ang playing field sa mga Classified Events kung saan hindi maaring magkasama ang mga classified players upang mabigyan ng pagkakataon ang mga novice, dart enthusiasts, kabataan at babaeng manlalaro.

Ang Classified Players ay nagmula sa top 30% nang mga nagkamit ng NDFP ranking points mula nang 2005 at magiging tatlong taong rolling accumulated ranking points. Sa ngayon ay may apatnaput-walong (48) Classified Players.


 
   
Updated July 18, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.