“P100,000 na ang dart tournament sa Cabiao sa susunod na taon”
yan ang napakagandang balita sa dartero na inihayag ni Mayor Biding
Garcia ng Cabiao, Nueva Ecija, kung saan ginanap ang NDFP sanctioned
P30,000 Cabiao Mayor’s Cup noong nakalipas na ika-8 ng Marso,
2008.
Hindi pa man dumadating ang P100,000 tournament sa Cabiao ay
dinagsa na ng mga dartero ang P30,000 Cabiao Mayor’s Cup.
Isang daan at limangpung (150) dartero ang nagtunggali sa Draw
Doubles at isang daan at labing walo (118) ang naglaro sa Open
Singles. Ito ang pinakamaraming lumahok sa anumang Doubles and
Singles events so far this year. Matagumpay ang dart tournament
dahil sa malawakang suporta ng dartero mula sa Baguio, Zambales,
Bulacan,Batangas at Maynila.
Binabati namin ang maayos na paghahanda ng Darters of Cabiao
sa pamumuno ni Joji Nerit. Ang laruan ay maaliwalas, maginhawa
ang kinalagyan ng mg dartero at abot-kaya ng nakararami ang mga
pagkain at inumin. Kaya ang mga dartero ay hindi magsasawang bumalik
sa Cabiao, muling magkita-kita tayo sa P100,000 Cabiao Mayor’s
Cup 2009..
Talaan ng mga nagwagi:
Open Singles: 1st Lawrence Ilagan (Cainta), 2nd Boy Gionzon (Navotas),
3rd /4th Arby Briones (Baguio), Robert Reyes (Antipolo), 5th/8th
Boie Parfan (Robson), Noel Malicdem (Robson), Mark Quiteng (Baguio),
Arvin San Gabriel (Olongapo).
Classified Draw Doubles: 1st Noel Malicdem (Robson)/Edgar Dunca
(Cabiao) 2nd Arby Briones (Baguio)/Ryan Mansende (Olongapo) 3rd
Boy Giozon (Navotas)/Rolly Salcedo (SSS) 4th Rommel Milan (Olongapo)/Edwin
Alfonso (Bulacan)
Paalala lang ….. ang P12,000 Balik Darts sa Las Pinas ay
sa Marso 14, 2008 sa Salt and Spirit Restaurant umpisa ng alas
otcho ng gabi. Bisitahin ang www.ndfpdarts.com sa kabuuang detalya.