www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
Tumbok Articles:
March 6, 2008
March 14, 2008
March 29, 2008
April 18, 2008
April 25, 2008
May 02, 2008
May 09, 2008
May 16, 2008
May 23, 2008
May 30, 2008
June 6, 2008
June 14, 2008
June 20, 2008
June 27, 2008
July 04, 2008
July 18, 2008
July 25, 2008
August 1, 2008
August 08, 2008
August 22, 2008
August 29, 2008
September 5, 2008
September 12, 2008
September 19, 2008
September 26, 2008
October 03, 2008
October 10, 2008
October 17, 2008
October 31, 2008
November 7, 2008
November 14, 2008
November 21, 2008
 
 
 
 
VOL. VIII NO. 221 MAYO 02, 2008 BIYERNES  

Ang Congressman Del De Guzman Cup na gaganapin sa ika-3 ng Mayo sa Tanong, Marikina ay ang unang –unang P10,000 Free-Registration Dart Tournament sa NCR sa taong 2008. Ang Marikina City Dart Organization (MCDO), sa pamumuno ng MCDO president kagawad Omeng Dumlao, ang nag-organize ng tournament. Ayon kay Dumlao, ang tournament ay bukas sa lahat ng dartero at hindi lamang sa mga manlalaro ng Marikina. Sa kabuuang detalye bisitahin ang www.ndfpdarts.com.

Ang mga Free Registration dart tournaments ay hindi pangkaraniwang pangyayari lalo na kung ang papremyo ay umabot ng P10,000. Ito ay bunga ng tinatawag na “love for darts” na adhikain. Ang malalim na commitment sa pagpapalawak ng darts ang tanging naguudyok sa ganitong palaro at kasiyahan ng dartero ang hinahangad ng free registration tournaments.

Ang ina ng Free Registration Tournaments na tinutularan at tinitingala ng karamihan ay ang nag-iisang P100,000 Free Registration Darterong Pinoy, opo, isang daang libong piso ang paremyo sa ilalim ng NDFP mula pa noong 2003 at pinaiiral kada taon. Dito makikita ang pinaka-maraming manlalaro at dahil sa lawak ng dart exposure, ito ay nagsilbing susi sa tuluyang paglaganap ng darts sa Pilipinas.

Noong nakalipas na Sabado, ang Integrated Darters of Laguna (IDOL) sa panguluhan ni Boy Gube, ang nagpalaro ng P25,000 Governor Lazaro Cup sa Santa Rosa Laguna, kung saan nanalo si Mon Oliveros ng Makati sa Open Singles at pangalawa si Raul de la Flor, ang 2007 Darterong Pinoy Singles Champion. Si Eric Flores ang kampeon sa Abu Dhabi ay nasa Pilipinas at nag top 4 kasama si Boy Gionzon ng Navotas. Sila Ian Perez, Ricky Mijares, Orlan Bernardino at Ding Sumulong ay nasa top 8.

Sila Ed Almasco ng Unified Darters at Allan Domingo ng Makati ang nagwagi ng Draw Doubles over Boy Gionzon at Alan Flores..

Noong Linggo naman ginanap ang P10,000 Draw Doubles sa SM Batangas City ng Little Arrows Dart Club nila Randy Macaraig at Christian Clemeno. Sila Ian Perez ng Koronadal at Mile Alvarez ng Batangas City ang nagkampeon at pangalawa sila Edwin Alfonso at Tony Gabia.

 
   
Updated May 02, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.