www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
Tumbok Articles:
March 6, 2008
March 14, 2008
March 29, 2008
April 18, 2008
April 25, 2008
May 02, 2008
May 09, 2008
May 16, 2008
May 23, 2008
May 30, 2008
June 6, 2008
June 14, 2008
June 20, 2008
June 27, 2008
July 04, 2008
July 18, 2008
July 25, 2008
August 1, 2008
August 08, 2008
August 22, 2008
August 29, 2008
September 5, 2008
September 12, 2008
September 19, 2008
September 26, 2008
October 03, 2008
October 10, 2008
October 17, 2008
October 31, 2008
November 7, 2008
November 14, 2008
November 21, 2008
 
 
 
 
VOL. VIII NO. 228 MAYO 09, 2008 BIYERNES  

Dinagsa ng dartero ang P10,000 free-registration Congressman Del De Guzman Cup noong nakaraang Sabado sa Tañong, Marikina. Isang-daan at pitumput-apat (174) ang naglaro galing sa ibat-ibang bahagi ng NCR mula sa mga kabataan, senior citizens, kababaihan, magagaling at baguhang dartero.

Kinulang man ang mga upuan at mesa, itoy hindi naging hadlang sa malaki at maaliwas na laruan at kasiyahan ng mga dartero na parang fiesta ang pinagdiriwang. Sa mga matatagal nang hindi nagkakita-kita ito ay nagsilbing isang malaking reunion.

Isa pang P10,000 Free-Registration tournament ang nagbunga noong Sabado. Ipinahayag ng NDFP president na sa Mayo 17, 2008, sa dating lugar, Tañong Basketball court ng Marikina, ay isa pang P10,000 Free-Registration Tournament sa sponsorship ng Robson Sportscraft at Chris Sports. Ayon sa NDFP, masasayang dartero ang ating “ambassadors of goodwill” sa paglaganap ng darts sa Pilipinas

Binabati ng sambayanang dartero ang magiting na pamunuan ng Marikina City Dart Organization (MCDO) sa panguluhan ni Kagawad Omeng Dumalo, Dexter Vasquez, Bobong Santos at Marvin Orlina. Hindi pangkaraniwan ang magkaroon ng sponsor at ipapamahagi ang buong sponsorship sa kasiyahan ng dartero..

Ang nagkampeon ay sila Boy Gionzon (Navotas) at youth player Jayson Bautista (ACDC-Tondo); 2nd Edward Pascual (ACDC-Tondo) at Rolly Salcedo (SSS Darts), 3rd Boie Parfan (Robson) at Julius Revillo isa pang youth player (Pasig), 4th Howard Felizardo (UDT-Taytay) at Martin Mateo (Pasig).

Sa Lunes, May 12 ay ang championship at awarding ng MCDO Dart League. Ang magtutungali sa Open Division ay ang Warriors (Pasig) at Pirates II (Marikina), at for 3rd place ay ang Titans (Marikina) at MP4 (Proj. 4, Q.C.).

Samantalang sa Novice Division, na restricted lang sa darterong taga-Marikina, ang magtutungali sa finals ay ang Knights of Darters (Tañong) at Room 69 (Kalumpang) at sa pangatlong pwesto ay ang Condos 67 (Concepcion 2) at El Torreros (Sto Nino).

Maguumpisa muli ang MCDO Dart League sa ika-2 ng Hunyo sa B.I.T.E., Gil Fernando Ave, Sta Elena, Marikina. Ang liga ay bukas na sa lahat ng dartero. Ang laruan ay may walong (8) dartboards lang at sakaling marami ang magpalista, hahatiin ang mga koponan sa Lunes at Martes na schedule. Mga darterong interesado ay makipagugnayan kay Marvin Orlina sa CP 0920-223-2357 o tumawag sa opisina 416-9242.

Nabuo ang MCDO Dart League noong Pebrero sa hangad ng Marikina darters na ituloy ang dart league gawa nang pangsamantalang na putol ang pinaglalaruang liga sa Ali Mall nang itoy nagkaroon ng renovation.

Ang pinaglalaruang liga sa Ali Mall ay ang Robson Dart League, ang pinaka malaking dart league noong naka lipas na taon kung saan naglaro ang 55 teams na nahahati sa apat ng dibisyon. Talagang sayang na wala nang makitang dart venue na maaring mailagay at maiwanan ang 28 dart stands para sa linguhang dart league. Ang Robson Dart League ay nagumpisa ng 10 teams noong 2004 at dahan-dahang lumaki sa 55 teams. Napaka-ganda ng palakad at naka-akit nang maraming manlalaro.

Sa kasalukuyang bulusok ng darts mas marami pang manlalaro ang naghihintay ng Robson Dart League. Nananawagan kami sa may malalaking puwesto na mapagbigyan ang hinaing ng dartero.

 
   
Updated May 02, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.