www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
Tumbok Articles:
March 6, 2008
March 14, 2008
March 29, 2008
April 18, 2008
April 25, 2008
May 02, 2008
May 09, 2008
May 16, 2008
May 23, 2008
May 30, 2008
June 6, 2008
June 14, 2008
June 20, 2008
June 27, 2008
July 04, 2008
July 18, 2008
July 25, 2008
August 1, 2008
August 08, 2008
August 22, 2008
August 29, 2008
September 5, 2008
September 12, 2008
September 19, 2008
September 26, 2008
October 03, 2008
October 10, 2008
October 17, 2008
October 31, 2008
November 7, 2008
November 14, 2008
November 21, 2008
 
 
 
 
VOL. VIII NO. 361 SEPTYEMBRE 19, 2008 BIYERNES  

Maagang pamasko sa dartero ang ipinahayag ni Manny Pacquiao bago siya umalis patungong Amerika. Ang Manny Pacquiao International Darts Classic na may isang milyong paparemyo at nakatakda sa Disyembre 12-15, 2008 sa General Santos City ay dinagdagan ng isang milyong piso pa. Kaya abangan at sumali sa pinakamalaki at makasaysayang dart tournament ng bansa ang “Manny Pacquiao 2 Million International Darts Classic”.

Ang Robson P100,000 Free-Registration Darterong Pinoy ay sisimulan sa Setyembre 19-21, 2008 sa Sta Lucia East Grand Mall, Marcos Highway, Cainta Rizal. Ang National Darts Federation of the Philippines (NDFP) ay ang nangangasiwa nitong nag-iisang P100,000 free-registration dart tournament.

Inaasahan ang isang malaking pagtitipon ng dartero at marahil ang attendance record ay mahihigit nanaman ngayon pang bumubulusok ang darts sa bansa. Maraming dartero mula sa Visayas at Mindanao ang bibiyahe at maglalaro sa Darterong Pinoy at Philippine Qualifier World Darts Championship na nakatakda sa Setyembre 25-28.

Ang mga events sa Darterong Pinoy ay naiiba sa karaniwang mga dart tournaments tulad ng Senior’s Singles, Youth Singles at Mixed Doubles. Ang Senior’s Singles ay para lamang sa mga Darterong may limangpung taong gulang at mahigit at ang Youth Singles ay sa kabataang labing-siyam na taong gulang at pababa.

Ang nakalinya sa tatlong araw na torneo ay ang P15,000 Classified Draw Doubles Biyernes, Setyembre 19, 4:00 PM. Ang mga events sa Sabado, Setyembre 20, ay ang 4-Man Team Championship 10AM, Senior’s Singles 4:00 PM at ang Fixed Doubles 4:30 PM. Ang schedule sa Linggo, Setyembre 21 ay ang Youth Singles at Mixed Doubles 10:00 AM, Ladies’ Singles 1:00 PM at ang Open Singles 2:00 PM.

Ang media partners ng Darterong Pinoy ay ang Tumbok, Solar Sports at RJ 100 FM radio station. Ang mga sponsors ay Chris Sports, Sportshouse, Pagcor, PCSO, Questor at Samsung.

Paalala sa mga lalahok na may sinusunod na Dress Code sa torneo – walang shorts, slippers, sando, sandals, tank tops at dapat may kuwelyo ang shirts or t-shirts.

Samantala noong Sabado, Setyembre 13, 2008, ginanap ang limang Regional elimination para sa Regional Wild Card Seeded players ng Philippine Qualifier sa World Darts Championship. Si Rex Balangcod ang nagwagi sa Baguio Benguet Dart Organization eliminations at si Jingy Alang, ng Pili Darters ang sa Bicol Darts Federation. Toto Rambano ng Cavite Dart Organization ang nanalo sa Batangas City ng South Luzon Dart Federation. Pattie de la Pasion ng Makati City Dart Association ang mag-rerepresent ng NCR at ang Middle East regional qualifier ay si Eric Flores ng Dhubai.


 
View Complete Results and Pictures  
Updated Sept. 19, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.