www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
Tumbok Articles:
March 6, 2008
March 14, 2008
March 29, 2008
April 18, 2008
April 25, 2008
May 02, 2008
May 09, 2008
May 16, 2008
May 23, 2008
May 30, 2008
June 6, 2008
June 14, 2008
June 20, 2008
June 27, 2008
July 04, 2008
July 18, 2008
July 25, 2008
August 1, 2008
August 08, 2008
August 22, 2008
August 29, 2008
September 5, 2008
September 12, 2008
September 19, 2008
September 26, 2008
October 03, 2008
October 10, 2008
October 17, 2008
October 31, 2008
November 7, 2008
November 14, 2008
November 21, 2008
 
 
 
 
VOL. VIII NO. 214 ABRIL 25, 2008 BIYERNES  

Naipagtanggol ni Boie Parfan ang pagka-kampeon ng Open Dart Singles sa Bicol noong nakaraang April 20,2008, sa Kapitolyo ng Albay, kung saan ginanap ang P75,000 Bicol Dart Challenge II, Magayon Festival.

Nanatiling kampeon si Parfan nang sinibak niya ang comebacking Ricky Mijares, isang beteranong Asia Pacific at World Cup dartero sa championship ng Open Singles. Sa top 4 tinalo ni Parfan si Ricky Santiago ng Cavite, isang Philippine team din ng World Cup at si Mijares naman ay tinalo si Ian Perez ng Koronadal, ang number 2 ranked NDFP Player.

Rounding the top 8 ay sila Orlan Bernardino, runner-up ng Philippine Qualifier ng World Dart Championship, 2007 ng Taytay Rizal; Noel Malicdem, Darterong Pinoy Champion 2006, ng Pasig City; Mon Oliveros ng Makati City at si Bert Bergonio ng Pili, Camarines Sur.

Isang memorable at kapana-panabik na laban ang laro nila Ian Perez at Arby Briones, ang pangunahing dartero ng Baguio City at Philippine team ng World Cup, kung saan ipinakita ni Perez ang determinasyon at buong loob ng isang dartero. Umabot ng decision game, at so far, lahat ng unang bumato ay panalo. Nauna si Arby at bumato agad ng 140 at sinundan pa ng isang 140, ang score ay naging 52 si Arby at 238 pa si Perez. Hindi nasiraan ng loob si Perez at bumato ng maximum score na 180 kaya ang score ni Perez ay 58 na lang. Under pressure na si Arby at bumato ng dalawang outing na parehong mintis. Pagkakataon na ni Perez for the winning shot at nakuha ang natitirang 58 – single 18 – namiss double 20 with single 20- at nahuli ang double 10.

Sa ibang events naman ay nagwagi sila Boie Parfan, Orlan Bernardino at Ian Perez ng Team Robson sa fix 3 man team over Ricky Santiago, Mon Oliveros at Arby Briones. Sa Classified Draw doubles nagwagi sila Ricky Santiago at Nognog Brillo ng Baao, Camarines Sur nang talunin nila ang play for waiting na sila Boie Parfan at Adrian Magarde ng Legaspi City. Sa kabuuang resulta at mga pictures bisitahin ang www.ndfpdarts.com.

Ang mga dartero ng Bicol ay nagpakita ng malaking improvement kumpara noong nakalipas na taon. Sa matatag na pamumuno ni Darius Araña ng Bicol Dart Federation, na sumasaklaw sa mga local dart organizations mula Daet, Naga, Pili, Iriga, Legaspi, Daraga at iba pang karatig lugar, ang support network sa Bicol ay malawak na. Ang mga nakatakdang dart events sa Bicol ay ang Pineapple Festival ng Daet, Ibalon Festival at Penafrancia Festival ng Naga

Bukas, Abril 26 ay ang Governor Teresita S. Lazaro Cup, P25,000 Dart Tournament, sa 2nd floor Activity Area ng New Santa Rosa Market, Laguna, katabi ng Santa Rosa City Hall.

Sa Mayo 3, 2008 ay ang Free Registration P10,000 Congressman Del De Guzman Cup sa Basketball Court ng Taniong, Marikina City, tabi ng Loyola Memorial Park entrance. Maguumpisa ng 8:00 ng gabi.

 
   
Updated April 25, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.