www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
Tumbok Articles:
March 6, 2008
March 14, 2008
March 29, 2008
April 18, 2008
April 25, 2008
May 02, 2008
May 09, 2008
May 16, 2008
May 23, 2008
May 30, 2008
June 6, 2008
June 14, 2008
June 20, 2008
June 27, 2008
July 04, 2008
July 18, 2008
July 25, 2008
August 1, 2008
August 08, 2008
August 22, 2008
August 29, 2008
September 5, 2008
September 12, 2008
September 19, 2008
September 26, 2008
October 03, 2008
October 10, 2008
October 17, 2008
October 31, 2008
November 7, 2008
November 14, 2008
November 21, 2008
 
 
 
 
VOL. VIII NO. 404 Oktubre 31, 2008 BIYERNES  

Karera Crossword Puzzle
Mga dartero pagkakataon nang magwagi ng Robson Dartboard - sumali sa Tumbok Karera Crossword Puzzle. Ang mechanics ng promo ay nasa karera section ng Tumbok. Sundin lamang ng maayos ang mga patakaran ng promo at malamang papalarin kayo.

MCDO Dart League
Ang Marikina City Dart Organization (MCDO) 3rd Conference Dart League ay nakatakdang umpisahan sa ika -10 ng Nobyembre sa BITES Bar and Grill sa Gil Fernando Ave., Marikina City. Ang liga ay sponsored ni Congressman Del De Guzman ng 2nd District ng Marikina City. Ito ay bukas sa lahat ng dartero at walang bayad ang pag-rehistro upang makapaglaro.

Ang format ng laro ay katulad noong nakaraang 2nd Conference kung saan may siyam na laro kada gabi at lalabanan ang bawat koponan ng kanya-kanyang dibisyon. Lunes ang nakalaang araw para sa Dibisyon A and B at Miyerkules ang para sa Dibisyon C. Ika-8 ng gabi mag-uumpisa ang liga.

Inaasahang hihigit pa sa 29 na koponan ng 2nd conference ang maglalaro kaya magparehistro na bago sumapit ang deadline sa ika-3 ng Nobyembre. Ipagalam kay Marvin Orlina – 0920-223-2357 kung kayo ay sasali o kaya isumite ang inyong koponan sa BITES Bar and Grill.

Tournament Results
Tatlong araw na dart tournaments ang idinaos noong nakaraang linggo. Inumpisahan sa Nom-e Sports Bar sa Pasig ang P17,000 Dobol Doubles noong Biyernes, ika-24 ng Oktubre, kung saan lumahok ang isang daan at apat (104) na manlalaro. Si Robert Reyes ng Antipolo at Louie Soriano ng Tondo ang nagkampeon at sina Boy Gionzon ng Navatos at Gerry Salenga ng Makati ang pumangalawa.

Pagdating ng Sabado, ang P12,000 Twin Cup ay inisponsoran nina Laguna Provincial Administrator Dennis Lazaro at ng Municipal Government ng Nagcarlan, Laguna. Ang nangasiwa ng torneo ay ang Darters of Nagcarlan (DON) at ang Integrated Darters of Laguna (IDOL). Ang isang daan at dalawang put-walong (128) manlalaro ay nagmula sa Lucena, Quezon, Batangas, Cavite at Laguna at mga kasapi ng Southern Luzon Dart Federation ng NDFP. Si Reino Irlanda, ang pangulo ng DON at si Marvin del Rosario ng San Pablo City ay ng kampeon at ang pumangalawa ay sina Rommel Natividad ng Carmona at Mario Consijero ng Nagcarlan.

Kinabukasan ika-26 ng Oktubre, inilunsad sa Batangas City ang P20,000 October Dart Fest ng Batangas Unified Darters (BUD) sa pamumuno nila Christian Clemeno, Randy Macaraig at Cezar Clarin. May siyam na pung (90) dartero ang naglaro na sinuportahan ng manlalaro mula Maynila. Sina Ricky Mijares ng Robson at Tony Ramos ng BUD ang nagkampeon at sina Bonnie Evangelista ng Makati at Rommick Maranan ng BUD ang pumangalawa.

Matagumpay ang mga palaro ng katatatag na Southern Luzon Dart Federation at inaasahang lalo pang lalakas ang pagbubuklod ng dartero sa Southern Luzon.

 
Updated Oct. 31, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.