www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
Tumbok Articles:
March 6, 2008
March 14, 2008
March 29, 2008
April 18, 2008
April 25, 2008
May 02, 2008
May 09, 2008
May 16, 2008
May 23, 2008
May 30, 2008
June 6, 2008
June 14, 2008
June 20, 2008
June 27, 2008
July 04, 2008
July 18, 2008
July 25, 2008
August 1, 2008
August 08, 2008
August 22, 2008
August 29, 2008
September 5, 2008
September 12, 2008
September 19, 2008
September 26, 2008
October 03, 2008
October 10, 2008
October 17, 2008
October 31, 2008
November 7, 2008
November 14, 2008
November 21, 2008
 
 
 
 
VOL. VIII NO. 235 MAYO 16, 2008 BIYERNES  

Isang malaking pagtitipon ng dartero ang magaganap muli sa NDFP organized Chris Sports and Robson Sportscraft P10,000 Free-Registration Dart Tournament sa ika-17 ng Mayo, 2008 sa Tañong Basketball Court, Marikina City. Ito ay malapit sa entrance ng Loyola Memorial Park kaya napakadaling pumunta at umuwi mula sa venue.

Ang Classified Draw Doubles ay maguumpisa ng ika-8 ng gabi. Sa inaasahang dami nang maglalaro inaayos ng organizers ang kaukulang preparasyon para sa kasiyahan at kaginhawahan ng dartero. Labing-walong (18) dartboards ang gagamitin upang maagang matapos ang tournament, at nakalaan ang dalawang daang (200) upuan at sapat na mesa. Ang food and drinks din ay tinitiyak na abot kaya ng lahat.

Katatapos lang noong Lunes ang Marikina City Dart Organization (MCDO) Dart League kung saan naglaro ang labing pitong (17) koponan sa dalawang dibisyon. Ang kampeon sa Open Dibisyon ay ang Warriors Team (Pasig) at sa Novice Division naman ay ang Knight of Darters (Tañong). Ang MVP sa Open Division ay si Boyet Concepcion (Warrior) at sa Novice Division ay si Bong de Liva (Knight of Darters).

MCDO 2nd Conference Dart League ay mag-uumpisa sa ika-2 ng Hunyo. May panahon pang magpalista at makipag-ugnayan kay Marvin Orlina sa CP 0920-223-2357. Ito ay bukas sa lahat ng dartero.

Ang mga ibang balita sa dart legues ay ang 1st Premier League ng United Darters of Taytay (UDT). Singles ang Premier League kaya naiiba ang ligang ito. Ang team league nila ay yung natapos na 3rd Joric Cup League noong Febrero kung saan naglaro ang labing-walong (18) koponan. Tuloy-tuloy ang liga sa Taytay sa pamumuno ni Orlan Bernardino ng UDT.

Ang 1st Fundador Brandy Corporate Cup, ang pinakamalaking dart league sa Mindanao, na ginanap sa Davao City ay natapos noong nakaraang buwan. Dalawampung (20) koponan ang naglaro sa ilalim ng Federation of Dart Association Metro Davao Inc.sa panguluhan ni Boy Gludo.

Sa pananaw ng NDFP, ang matatag na haligi sa pagpapaunlad ng darts ay ang mga dart leagues. Ang kasalukuyang takbo ng darts sa Pilipinas ay mabigat na nakatimbang sa mga dart tournaments at napapabayaan ang pagsulong ng dart leagues. Ang pinaka-magagaling at maraming dartero ay ang Inglatera, kung saan makikita ang paglaganap ng mga liga mula sa iba-ibang lebel ng kagalingan.

Ang biyayang dinudulot ng liga ay ang pagpapatupad ng darterong maglaro ng competitive darts kada linggo. Sa mga batikang dartero, ang liga ay nagsisilbing lingguhang laro upang manatili at lumakas pa ang galing.

Sa mga bagitong dartero, ang dart leagues ay hindi nakaka-ilang sapagkat ang mga koponan ay nakabukod ayon sa kagalingang tugma sa lakas ng mga koponan. Kaya sa dart leagues ay hindi nabibigla ang mga baguhan at mga “garage throwers” at dahan-dahang nagkakaroon ng kumpiansang sumabak sa mainstream tournaments.

Ang peer pressure din ng liga ay iba sa pangsarilihang laro ng mga tournaments. Ang kakalabasang performance ng team ay ayon sa paglalaro ng bawat manlalaro ng koponan, kaya iba ang pagpupursigi ng ensayo sapagkat ang talo at panalo ng bawat koponan ay ang kontribusyon ng bawat manlalaro.

Maliwanag na ang laganap ng dart leagues ay sa mga pook na may matatag na mga local dart organizations – kaya ang pagpapalaganap ng mga dart leagues ay nasa pagtatatag ng pambansang local dart organizations.

 
   
Updated May 16, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.