www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
Tumbok Articles:
March 6, 2008
March 14, 2008
March 29, 2008
April 18, 2008
April 25, 2008
May 02, 2008
May 09, 2008
May 16, 2008
May 23, 2008
May 30, 2008
June 6, 2008
June 14, 2008
June 20, 2008
June 27, 2008
July 04, 2008
July 18, 2008
July 25, 2008
August 1, 2008
August 08, 2008
August 22, 2008
August 29, 2008
September 5, 2008
September 12, 2008
September 19, 2008
September 26, 2008
October 03, 2008
October 10, 2008
October 17, 2008
October 31, 2008
November 7, 2008
November 14, 2008
November 21, 2008
 
 
 
 
VOL. VIII NO. 333 AGOSTO 22, 2008 BIYERNES  

Ang galing ng ating mga dartero ay muling makikita sa Malaysian Open sa Agosto 22-24, 2008 at sa Singapore Open sa Septyembre 12-14, 2008. Sasabak muli si Janjan Hinojales, ang kampeon ng Penang Open noong nakalipas na Mayo, sa Singles ng kababaihan. Dito makikita kung si Janjan na naman ang pinakamagaling na lady darter sa buong Asya.

Ang ilan sa magdadala ng kalalakihang dartero ay sila Boie Parfan, Arvy Briones, Ricky Santiago at Mon Oliveros. Lalaro din ang mga Singapore based darterong OFWs na siya ring nagbibigay ng suporta sa mga bumibisitang dartero. Magsisikap ang kalalakihang dartero na maibalik sa Pilipinas ang katangiang pinakamagagaling na dartero ng Asya.

Ang mga regional elimination ng Wild Card Seeded players para sa Philippine Qualifier World Darts Championship (PQ-WDC) sa Septyembre 25-28, 2008 ay umaandar na. Natapos na ang Mindanao elimination sa Marbel noong Sabado kung saan nagwagi sila Oggie Castelo ng Davao City at Nonoy Lorana ng Isulan, Sultan Kudarat.

Nakatakda na ang mga ibang regional eliminations. Sa Batangas City gaganapin ang elimination ng bagong tatag na Southern Luzon Dart Federation, sa Legaspi City ang Bicol Darts Federation, sa Baguio City ang Baguio-Benguet Dart Organization at sa Kalibo ang Western Visayas. Ang Middle East regional elimination ay pinag-uusapan pa.

Ang kabuuan ng mga manlalaro sa Philippine Qualifier WDC ay ang top 16 NDFP ranked players, 8 regional wild card players at ang top16 sa open qualifying sa Septyembre 25. Tatlong araw na eliminations ang gaganapin hanggang magkaroon ng kampeon.

May sapat na paghahanda ang mga manlalaro sa darating na tatlong P100,000 NDFP ranked tournaments bago mag-Philippine Qualifier WDC. Kadayawan Dart Festival Agosto 22-24, 2008 sa Dabao, Tsadarts Open, Agosto 29-31, sa Cagayan de Oro at ang P100,000 Free-Registration Darterong Pinoy, Setyembre 19-21 sa Sta. Lucia East Grand Mall, Cainta Rizal.

Ang tinutumbok ng pambansang pederasyon ng NDFP ay makamtan ang isang marangal at matagumpay na paglalaro sa Inglatera sa darating na World Darts Championship.

 
   
Updated Aug. 22, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.