www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
Tumbok Articles:
March 6, 2008
March 14, 2008
March 29, 2008
April 18, 2008
April 25, 2008
May 02, 2008
May 09, 2008
May 16, 2008
May 23, 2008
May 30, 2008
June 6, 2008
June 14, 2008
June 20, 2008
June 27, 2008
July 04, 2008
July 18, 2008
July 25, 2008
August 1, 2008
August 08, 2008
August 22, 2008
August 29, 2008
September 5, 2008
September 12, 2008
September 19, 2008
September 26, 2008
October 03, 2008
October 10, 2008
October 17, 2008
October 31, 2008
November 7, 2008
November 14, 2008
November 21, 2008
 
 
 
 
VOL. VIII NO. 312 AGOSTO 1, 2008 BIYERNES  

Araw-araw ang hanay ng mga bagong dartero ay lumalaganap. Marami ang humihiling at nakikiusap ng
kaalamanan ng larong darts mula sa kagamitan, tamang pukol at iba’t-ibang laro ng darts. Dahil sa kakulangan ng mga aklat at babasahin tungkol sa darts, tatalakayin ng Dartero Korner ang pinaka-basic na kaalamanan ng kagamitan ayon sa badget at layunn ng isang manlalaro.

Ang pagpili ng kagamitan sa darts ay maaring nakakalito sapagkat marami ang pagpipiliaan. Ibat-iba ang mga hugis, bigat, uri at disenyo ng dart sets, ganon din ang hugis at uri ng flights at ang haba at uri ng shafts.

Ang kailangan ay isang set ng darts na may malinaw na point, dart barrel, shaft at flight. Ang bigat ng isang dart barrel ay hangang limangpung gramo at ang haba ng darts mula point hangang dulo ng flight ay isang talampakan. Ito ang mga pinakamabibigat at pinakamahabang darts na maaring gamitin.

Ang uri ng mga dart barrels ay ang brass darts, nickel silver at tungsten darts. Ang brass darts o tansong darts ay ang pinakamura sa pamilihan ngunit doble ang kalakihan sa parehong bigat ng tungsten darts dala ng mas magaan ang tanso kumpara sa tungsten. Ang tungsten ay isa sa pinakamabigat na elemento ngunit madaling mabasag kaya hinahaluan ng nickel silver. Walang darts na 100% tungsten, karamihan ay 80%, 90% at 95% tungsten.

Ang tungsten ang ginagamit ng mga bihasa na sa darts at nakakapag-grouping at naisisiksik ang tatlong darts sa maliit na triples o sa double bullesye. Yan ang pakinabang ng tungsten, payat ngunit mabigat. Sa mga baguhan at maliit ang badget, ang pangumpisang gamit ay ang brass darts.

Ang kadalasang bigat na ginagamit ay 22gms hangang 24gms. Ang mga hugis ng dart sets ay ang tinatawag na “pencil type” mapayat at mahaba at ang “bomber type” na mataba at maiksi. Kung ano ang pipiliin ay sang-ayon sa maginhawang hawak at naibabatong maayos.

Ang pakpak ng darts ay ang flights. Ang flights ang nagpapalipad ng darts. Ang hugis ng flights ay ibat-iba mula sa hugis puso hanggang hugis ng mukha, ngunit ang pinakamahalaga ay ang laki ng surface area ng flights. Ito ang nagdidikta ng bilis ng darts tungo sa dartboard. Kapag maliit ang surface area ng flights maliit din ang air resistance kaya mabilis ang darts, kapag malaki ang surface area mas may air reistance kaya mabagal ang darts. Dito nagmula ang tinatawag na fast flights at slow flights ang pinaka-basic na pagbubukod ng flights.

Ibat-iba ang halaga ng flights sa pamilihan at ang kaibahan ng materyales na ginagamit ang nag didikta ng presyo. Ang pinakamura ay ang polyester, magaan at malambot samantala ang pinakamahal, at mabigat ang nylon flights.

Ang shafts ay ibat-iba din ang haba at ang presyo ay ayon din sa materyales. Kaya ang tanong ay anong haba ng shaft at anong uri ng flights– fast o slow, magaan o mabigat ang pipiliin.

“Dart Tuning” ng darts ang makakasagot ng tamang combinasyon ng flights at shafts. Sa pag-dadart tuning gumagamit ng slow fights at short shafts para tignan ang dating ng pagbato ng dart, tapos ibahin ang combinasyon slow flights at long shafts, tapos fast flights at short shafts hanggang makita ang tama at gamay na combinasyon. Ang bawat manlalaro ay may kanya-kanyang bitaw ng darts kaya ang combinasyon ay sang-ayon sa sariling katangian ng bawat manlalaro.

 
   
Updated Aug. 01, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.