www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
Tumbok Articles:
March 6, 2008
March 14, 2008
March 29, 2008
April 18, 2008
April 25, 2008
May 02, 2008
May 09, 2008
May 16, 2008
May 23, 2008
May 30, 2008
June 6, 2008
June 14, 2008
June 20, 2008
June 27, 2008
July 04, 2008
July 18, 2008
July 25, 2008
August 1, 2008
August 08, 2008
August 22, 2008
August 29, 2008
September 5, 2008
September 12, 2008
September 19, 2008
September 26, 2008
October 03, 2008
October 10, 2008
October 17, 2008
October 31, 2008
November 7, 2008
November 14, 2008
November 21, 2008
 
 
 
 
VOL. VIII NO. 375 Oktubre 03, 2008 BIYERNES  

Lourence Ilagan ng Cainta Rizal ay ang Philippine Qualifier sa World Darts Championship. Ang batuhan sa intablado ay sukdulang napakataas at pumapantay sa pandaigdigang laban. Karapatdapat lang na ang pangwakas na yugto sa paghahanap ng pinakamagaling na Darterong Pinoy na kitawaan sa pinakabantog at pinakamayamang kampeonato ng darts sa buong daigdig ay magtapos sa isang kapanapanabik at pinakamagaling na kampeonatong masasaksihan.

Ang katungali ni Ilagan ay si Boy Gionzon, ang hindi inaasahan manlalaro mula Navatos, sa best of three sets best of seven legs kampeonato ng Philippine Qualifier. Ang unang set ay pinalunan ni Gionzon 4-0 at ang pangalawang set ay kay Ilagan 4-2. Sa panghuli at deciding set umabante si Ilagan 3-0 sa pamamagitan ng napakagaling na 15, 13 at 14 darts out. Hindi bumigay si Gionzon at humabol para pantayan ang iskor sa 3-3. Ang patakaran sa deciding set ay may dalawang legs na lamang ngunit sakaling umabot sa 4-4 ay may sudden death playoff. Binuksan ni Ilagan ang pangpitong leg ng pinakamatass na iskor 180 at tinapos ang laro. Binalikan ni Gionzon ng 12 dart out at pumantay na naman sa 4-4. Sa pinakahuling leg si Gionzon ang nanalo upang umpisahan ang laban at bumato ng 60-100-60-97-100. Si Ilagan ay bumato ng 97-180-100-98 at tumapos ng 14 darts out.

Ang katayuan ng walong nag final round robin ay Gionzon 7-0, Warren Perolino (Cavite) 6-1, Ilagan, Boie Parfan (Makati) at Arby Briones (Baguio) 4-3, King Gumanid (Davao City) 2-5, Arnel Elvena (Koronadal) 1-6 at Mon Oliveros (Makati) 0-7. Sa playoff sa pangatlong puwesto upang mag step ladder kalaban ang pangalawang puwesto, tinalo ni Ilagan si Parfan at Briones upang lumaban kay Perolino na tinalo niya 3-1 at 3-0. Si Parfan ay ang pangapat na pwesto nang talunin niya si Briones.

Ang Chris Sports Philippine Qualifier sa World Darts Championship ay ginanap noong Setyembre 25-28, 2008 sa Sta Lucia East Grand Mall, Cainta, Rizal in cooperation with Solar Sports. Ito ay sponsored ng Robson Sportscraft, Pagcor Sports, Samsung, Questor at Lime Pro-Equipment. At ang mga media partners ay Tumbok at DZRJ.

Ang Philippine Qualifier ay nagumpisa noong huwebes sa Open Qualifying Singles kung saan kinuha ang 16 na manlalaro, dito nangaling si Gionzon at Perolino. Ang pangalawang araw ay ang round robin ng apat na grupong tig-sampung manlalaro na galing sa Open Qualifying 16, NDFP 16 top ranked players at 8 mula sa regional qualifying. Si Ilagan ay ang 11th ranked NDFP player. Sa pangatlong araw ang top 4 sa apat na grupo ay hinati sa 2 grupong walo upang mag round robin. Sa pangapat na araw ang walo mula sa top 4 ng dalawang grupo ay nag round robin at dito nangaling ang kampeon. Ang proseso ay pambansa ang lawak dahil sa regional qualifying, bukas sa lahat dahil sa Open Qualifying at napakahirap na parang dumadaan sa butas ng karayom.

Sa taas ng batuhan muntik nang magka-perferct 9 darts out at manalo ng P10,000 si Ilagan ng bumato ng 180-180 at sa last three darts ay T20-T19 ngunit sumablay ang pang-perfect darts sa D12. Ituloy lang ni Ilagan ang kanyang ipinakitang galing at malayo ang mararating niya sa World Darts Championship. Inaasahan ng mga manlalaro na ibabandila ni Lourence ang Darterong Pinoy.

Ang mga nagwagi sa side events ng Philippine Qualifier ay sina Erning Bantoy ng Marikina, Randy Santiago ng Pasig at Boyao Robles ng Baguio sa Classified Draw Triples. Sina Hino Digma ng Baguio at Jerry Salenga ng Makati sa Classified Draw Doubles at sina Roy Laude ng Cebu at JP Quintano ng Manila sa Open Doubles.

 
View Complete Results and Pictures  
Updated Oct. 03, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.