Ang P300K Pacman Cup II ay ginanap noong Setyembre 5-7, 2008 sa
Knockout Bar ni Manny Pacquiao sa Digos City. Si Manny Pacquiao
kasama ng mga katambal niyang sina King Gumanid at Jojo Bayron ay
nag joint 5th to 8th places sa Classified Draw Triples noong unang
araw.
Sobrang busy na ni Manny sa pag-alis niya sa susunod na linggo
upang umpisahan ang training niya laban kay Oscar de la Hoya.
Kaya nakalahok lang siya ng unang araw, ngunit kanyang ipinaaalam
sa sambayanang dartero na ang Manny Pacquiao One Million International
Darts Classic ay tuloy na tuloy sa Disyembre 12-15, 2008 sa General
Santos City.
Ang kampeon sa Men’s Singles ay ang National Master na
si Boie Parfan ng Robson-Makati at NDFP ranked number 3. Si King
Gumanid ng Davao City ay pumangalawa at sina comebacking Dixie
Ibanez ng Cagayan De Oro at Alain Comendador ng GenSan ay joint
third. Nang dumating na ang top 16 players ay sobrang taas at
malakas na ang batuhan at ang mga ton 80’s at mga 11-12-13-15
darts out ay namumulaklak sa scoreboards.
Si Jan Jan Hinojales ng Davao City ay matugumpay sa Ladies Singles
at binawi ang pagkatalo niya kay Sheila Brana sa Pacman Cup I.
Empoy Lautengco ng Gensan, ang kaensayo at kabatuhan ni Pacman
sa bahay niya ay ang nagkampeon sa Youth Singles. Napakalaking
paghusay ang pinakita ng bata sa araw-araw niyang kalaro si Pacman.
Sa ibang events, ang nagkampeon sa Classified Draw Triples ay
sina Boy Villamor, Jun Noynay ng Davao City at Regional Master
Dodong Nollora ng Butuan City. Sa Classified Draw Doubles, si
National Master Jojo Barellano ng Davao City at Bog’s Ortezo
ang nagkampeon. Sa Fixed Four-Man Team ang “The One”
mula Cagayan de Oro ang nagkampeon na kinabibilangan nila Dixie
Ibanez, Jun Espinola, Allan Medroso at Gary Buendia.
Ang mga kinatawan ng mga lokal dart organization ay maglalabanan
ngayong Sabado Setyembre 13, 2008 para sa Regional Wild Card Seeded
players ng Philippine Qualifier sa World Darts Championship. Ito
ay gaganapin sa Batangas City for the Southern Luzon Dart Federation,
Legaspi City para sa Bicol Dart Federation, Baguio City para sa
Baguio-Benguet Dart Organization, Marikina City para sa mga affiliated
dart organizations ng NCR at sa Abu Dhabi para sa mga manlalaro
ng Dubai at Abu Dhabi. Ang Philippine Qualifier para sa Wild Card
Seeded Players ay tunay na pambansang grassroot ang pagsali.
Noong Sabado, Setyembre 6, 2008 ay ang P15K Inaugural Dart Tournament
sa Nom-e Pasig kung saan isang daan at apatnapung dartero ang
lumahok. Ang Nom-e Pasig ay sentro sa Kamaynilaan at ang labing
dalawang dartboards na pinaglalaruan ay lalong magpapalaganp ng
dart sa Metro Manila.
Sila Bruno Parungao ng Makati at Edgar Zaragoza ng Pasig ang
nagkampeon, samantala sila Pattie dela Pasion ng Makati at Bobby
Santos ng Marikina ang pumangalawa.