www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
Tumbok Articles:
March 6, 2008
March 14, 2008
March 29, 2008
April 18, 2008
April 25, 2008
May 02, 2008
May 09, 2008
May 16, 2008
May 23, 2008
May 30, 2008
June 6, 2008
June 14, 2008
June 20, 2008
June 27, 2008
July 04, 2008
July 18, 2008
July 25, 2008
August 1, 2008
August 08, 2008
August 22, 2008
August 29, 2008
September 5, 2008
September 12, 2008
September 19, 2008
September 26, 2008
October 03, 2008
October 10, 2008
October 17, 2008
October 31, 2008
November 7, 2008
November 14, 2008
November 21, 2008
 
 
 
 
VOL. VIII NO. 284 HULYO 04, 2008 BIYERNES  

Ano ba ang mga ibang sports o libangan ang ginagawa ng isang dartero? Ang kinalabasan ng isang market research ng NDFP sa ka-Maynilaan ay Basketbol 29%, Bilyar 19%, Chess 10%, Karera 6% at tennis, bowling, pingpong ang iba pa.

Meron palang Darterong Karerista! Ano naman ang say ng mga Darterong Karerista sa karera ng kabayo ngayon?

Sa isang pagpupulong ng mga dartero habang naghihintay ng tawag sa tournament ito ang kulitan.ng mga Darterong Karerista.

“Pre, ang tagal mo nang hindi nagdadarts bakit biglang bumalik ka”? Ang sagot ni balik-darter “mula nang nahati ang karera sa dalawang cable companies ay isang karerahan na lang ang napapanuod at tinatayaan ko. Kapagwalang karera sa cable ko e napapanuod ko ang lintek na galing ng dartero sa Inglatera kaya naengganyo muli ako sa darts. Ma-over budget na si Mrs kung mag-subscribe pa sa kabilang cable dahil lang sa karera.”

“Magpunta ka kasi sa OTB at doon manuod at magkarera” Ang sagot ni balik-darter “Bossing, nakakapikon na sa OTBs, mula nang nasira ang air-con sa OTB ko ang init, masikip at wala nang serbisyo dagdag pa doon ay puros paki sa teller, di sinusunod ang linya ng tayaan. Limitado na ang high-end OTBs. Tinataya ko ang mga kursunada ko at pinapanood ko na lang sa air-con kong kuwarto.”

“Kaya nga may telebet para komportable ka sa tayaan” Sagot ni dart hustler “ay takot ako sa hi-tech, di ko kilala ang tinatayaan ko, ginagawa ko text-bet. Mag-iiwan ako ng pera sa teller at text ko na lang ang taya”.

“Ikaw American Boy medyo tahimik ka” Ang wika naman ni Amboy “namimiss ko ang ginagamit ko sa Tate, ang Racing Form, kung saan kumpleto ang pag-analyze ng karera – andoon ang mga track variant, Bayer rating, winning percentage at marami pa. Ang programa ng karera dito ay parang darts may best of three. Ilang ulit na, ang proeba ng mga programa iba-iba, kasama na ang quarter times. Kaya kailangan ng tatlong programa at kung sino ang may dalawang parehong tiempo ay malamang tama”.

Sagot naman ng isa “ masyadong speed rating kasi ang tinitignan mo meron pang ibang bagay, gaya ng pagbaba ng grupo, pace of the race, post position at mga preference ng kabayo sa distancia, racing track at iba pa. Pero tama ka may kakulangan ang mga proeba, sana malagay doon na ng barrier trial ang kabayo kasi galing sa mga epitaxis o pilay para alam natin”

“Ay sus, mahirap mag-over analyze, sa dami ng mga preferences ng kabayong tutugma sa isang panalo, ang pinaka mabigat pagpumasok ang biyahe preference, patay lahat kung anu-ano mang preferences yan”.

Tinawag na ang mga Darterong Karerista upang mag laro at sana’y maituloy ang kulitan nila.

Balik sa darts, ang P100,000 T’nalak Darts Open, Hulyo 11-13, ay ang una sa mga nakasalang na P100,000 dart tournaments sa Mindanao. Ito ay gaganapin sa Food Harbor, Koronadal City sa pangangasiwa ng South Cotabato Darters (SOCO Darts).

Ang T’nalak ay isang telang hand woven ng T’boli tribe ng South Cotabato. Ang T’nalak Festival ay ang pagdiriwang ng mga pinamanang kultura at kaugalian ng T’boli tribe.

Si gobernadora Daisy Avance-Fuentes ng South Cotabato ang nagtangkilik ng naturang tournament bilang bahagi ng T’nalak Festival. Ang Local Government Units (LGU) ang pinakamalaking nagtataguyod ng darts sa buong kapuluan at ang South Cotabato ay hindi naiiba.

 
   
Updated July 04, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.