Sukdulan ng dami ang lumahok sa NDFP organized
Chris Sports and Robson Sportscraft P10,000 Free-Registration Tournament
sa Tañong Basketball Court, Marikina City, noong naka lipas
na Sabado. Hindi inaasahan ang dalawang-daan at walumput-dalawang
(282) darterong sumugod sa lakas ng ulan at hangin ng bagyong Cosme.
Malamang ito na ang pinaka-malaking P10,000 tournament kahit
sumabay pa ang isang P15,000 free-registration tournament na ginanap
din sa Marikina. Ngunit sa kasawiang palad, ang mas malaking P15,000
tournament ay hindi man lang nangalahati sa dami ng umagos na
dartero sa Tañong.
Sa dami ng manlalaro napilitang baguhin ang format ng laro. Sa
halip na 501 best of 3 sa winners bracket at 701 single game sa
losers bracket, ang naging pasya ng Tournament director ay gawing
single game 701 na lang sa winner’s at loser’s brackets.
Madaling araw man natapos ang tournament, kahit labing-walong
(18) dartboards na ang ginamit, ang mga dartero ay umuwing masasaya
sa dalawang –daang (200) flights and shafts at dalawang
dartboard na pina-raffle ng sponsors – Chris Sports at Robson
Sportscraft.
Higit pang pinasaya ang mga dartero, nang ipinahayag ng panauhing
pandangal, Vice-Mayor Marion Andres ng Marikina City, ang isa
pang P10,000 free-registration dart tournament na kanyang tatangkilikin
sa darating na buwan.
Buong pusong nagpapasalamat ang NDFP sa mga darterong pinahalagaan
at sinuportahan ang kauna-unahang organized dart tournament ng
NDFP sa NCR; lalo na ang mga manlalarong nagmula pa sa malayong
purok ng Cabiao, Nueva Ecija at Batangas City.
Samantalang hinihintay natin ang lugar at araw ng P10,000 Free-Registration
Vice Mayor Andres Cup, ang P10,000 Free-Registration Ariel Inton
Cup ay nakatakda sa ika-7 ng Hunyo sa Project 4, sa pangangasiwa
ng MP4 (Marilag Project 4 Dart Association) nila Edwin Angeles
at Errol Selga.
OFFICIAL TOURNAMENT RESULTS:
Classified Draw Doubles
282 Participants or 141 Pairs |
Champion |
Hermie Adolfo(Quezon City) and
Benjie Baet (Kasilawan, Makati) |
2nd Place |
Boie Parfan (Robson - Makati) and
Kristoffer Galingan (Comembo, Makati) |
3rd Place |
Jerry Salenga (Sta Cruz, Makati) and
Andrew Lamboon (Tondo, Manila) |
4th Place |
Christopher Enriquez (Pasig) and
Buth Cairo (Quezon City) |
Joint 5th /
6th |
Edu Paginag (Robson, Q.C) and
Edwin Alfonso (Batangas)
Joel Murillo (Tondo, Manila) and
Gerald Panganiban (Batangas) |
Joint 7th /
8th |
Julius Revillo (Santolan, Pasig) and
Edwin Tiro (Tondo, Manila)
Ro Baran (Tondo, Manila)
Peter Samedra (Darters of Cabiao) |