www.ndfpdarts.com Profile
Plans & Programs Contact Us
Home
Directory Forum

 


 
 

 

 
 
 
 
NDFP President Tito Soncuya Fred De Leon Opening Prayer Councilor Ariel Inton Councilor Ariel Inton
Fred De Leon w/ Councilor Inton Inton's Staffs Inton's Staffs Ceremonial Throw Tournament Director's Table
 
Classified Doubles Champion Classified Doubles 2nd Place
Classified Doubles 3rd Place Classified Doubles 4th Place
Classified Doubles Joint 5th / 6h Registration
Tournament Proper Tournament Proper
Pasig Darters Edu Paginag, Ronel Botor and Bonie Evangelista
MCDO Darters UDT Darters
Poblacion Makati Darters Dart Participants
Dart Participants Poblacion, Makati Darters
Dart Participants Robson
Ariel Inton's Staff Butch Cairo w/ P4 Marilag Staffs
MCDO Darters Noel Malicdem and Jan-jan Hinojales
Nick Rivera of Phoenix Arizona w/ Tito Soncuya Razor The Ultimate Dartboard

Dinagsa ng dalawang daan at apat-napung (240) dartero ang P10,000 Free-Registration Ariel Inton Cup noong nakaraang Sabado, June 7, 2008 sa Bagumbuhay Covered Court sa Project 4, Quezon City. Si Konsehal Ariel Inton ang bumato ng ceremonial throw upang umpisahan ang paligsahan.

Matagumpay ang dart tournament sa pangangasiwa ng MP4 (Marilag Project 4) Dart Club sa pamunuan nila Errol Selga, Edwin Angeles at Tito Estares, ang Sports Coordinator ni Ariel Inton. Sa dami ng mga manlalarong lumabas mula sa Project 4, ang MP4 Club ay ginawa nang GP4 (Greater Project 4) Dart Club para maisama ang kabuuang manlalaro ng Project 4.

Ang format ay napilitang baguhin upang makatapos sa maayos na oras, kaya 701 single game sa winners at losers bracket. Bihira ang mga dart tournaments na umaabot sa dalawang daang katao. Ito ay nagpapahiwatig ng tuluyang sigla ng darts.

Dalawang kabataan ang nagtambal at nagkampeon sa Ariel Inton Cup - sina McLouie Arangues, labing-limang (15) gulang ng Navotas City at si Chiy Lim, labing-siyam (19) na taon ng SMDP club ng Cubao. Ang katangian ng kabataan ay hindi nangingilala ng kalaban at bato na lang ng bato ng darts at tuloy ang na-prepressure at nanggigigil ay ang mga beteranong manlalaro.

Maayos at maginhawa ang kinalagyan ng manlalaro sa sapat na mga upuaan, mesa at maiwalas ng laruan. Ang kaginhawahan ng manlalaro ay ang kauna-unahang paglilingkod na kailangang ipatupad ng sino mang nagpapalaro. Ito ang pinamumulat sa mga NDFP supported tournaments.

Ang mga bisitang Darterong Pinoy mula sa ibang bansa ay naglaro gaya nila - Ronel Botor ang NDFP Middle East Coordinator, si Jovan Angeles, NDFP coordinator ng Inglatera, Mark Chua ng Toronto Darts- Canada, Jun Catanyag ng San Francisco-Bay Area at Nick Rivera ng Phoenix Arizona.

Si Nick Rivera ay ang Pinoy na ng represent ng America noong Winmau Masters noong huling dekada at isa sa mga tinataguriang Filipino na naglaro sa USA Circuit noong araw. Bagamat semi-retired na siya malakas pa rin ang kanyang pukol.

Ang mga Darterong Pinoy sa buong mundo ay nakakapag-ugnayan sa pamamagitan ng ating website. Ang www.ndfpdarts.com ay isang mahalagang kasangkapan sa pagkakaisa, pagkikilala at pagtataguyod ng Darterong Pinoy. Ang mga pambihirang tagumpay ng Pinoy sa darts sa ibang bansa ay naihahayag at natatamo rin ang kaukulang balita sa pangyayari sa Pilipinas. Dahan-dahan nating itinatayo ang pangdaigdigang ugnayan at support network ng mga dartetong Pinoy.

Classified Draw Doubles
240 Participants or 120 Pairs
Champion MC Louie Aranguez (Navotas) and
Chi-Y Lim (SMDP)
2nd Place Vincent Bona (Santolan, Pasig) and
Nico Argamasco (ACDC)
3rd Place Owen Lacap (Tondo, Manila)
Senen Benosa (V.Luna, QC)
4th Place Ding Sumulong (Terton)
Zenky Garcia (Valenzuela)
Joint 5th / 6th Bong De Liva (MCDO) and
Metring Cupad (Pansol, QC)
Nayr Ocampo (Navotas) and
Jan-jan Hinojales (Robson-Davao)
Joint 7th / 8th Roy Pajarito (-) and
Ray Vilda (Tondo, Manila)
Boy Plares (Pansol, QC) and
Chris Malabanan (Poblacion, Makati)
 
   
Updated June 12, 2008  

Robson Spectra Dartboard - Triangular Wire Robson Cues - Distinctly Different Robson Dartboard Robson Tungsten - The Choice of Champions!
Sportshouse - All the Games you Play!   www.chrissports.net
copyright 2005 - 2007 www.ndfpdarts.com All Rights Reserved.